Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kiray nanginig ang katawan dahil kay Enchong

00 SHOWBIZ ms mTUNAY na pinagpala talaga itong si Kiray Celis. Pagkatapos magpasasa kay Derek Ramsay, kay Enchong Dee naman siya makikipaglampungan. Ito’y sa pamamagitan ng pelikulang I Love You To Death na mapapanood na sa July 6 mula sa Regal Entertainment.

Ayon sa Regal, ito ang pamatay na comedy horror movie nila sa taong ito dahil magsasabog ito ng sigaw, tili, at pagmamahal sa Hulyo 6. Isang pambihirang kuwento ng pagmamahalan na hindi puwedeng paghiwalayin ng kamatayan.

Ang istorya’y iikot sa mag-childhood sweethearts na sina Gwen (Kiray) at Tonton (Enchong) na lumaki sa probinsiya. Hindi man kagandahan si Gwen, nabingwit niya ang puso ni Tonton na kinapos din sa kakisigan. Nangako silang magpapakasal sa tamang edad at nangakong magsasama habambuhay hanggang sa kamatayan.

Ayon kay Enchong humanga siya sa galing ni Kiray kaya naman nasabi niyang “She’s an actress!” Paano’y higit na maraming pasabog ang ginawa rito ni Kiray na talaga namang magpapasakit ng tiyan ng manonood.

Inspired daw si Kiray sa paggawa ng I Love You To Death kaya naman effortless ang director nitong si Miko Livelo na palutangin ang husay ni Kiray dahil isa pala sa crushes ng aktres si Enchong.

Kaunting pulupot lang daw kay Enchong, nanginginig na ang katawan ng komedyana at nawawala sa sarili kapag hinahalikan na ng actor.

Makikita ninyo ‘yan kapag pinanood ninyo ang I Love You To Death na pambihirang horror scenes na napakatapang ng dating at nakabibilib ang mapapanood din.

Samantala, mapapanood ang full trailer ng I Love You To Death sa official Youtube channel ng Regal Films at sa kanilang Facebook Page na Regal Entertainment Inc.. I-follow din ang kanilang Twitter @regalfilms at Instagram @regalfilms50 para sa mga update tungkol sa pelikula.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …