Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dr. How, ‘di tumigil sa pagtulong sa mga magsasaka

TO FARM or not to farm.

Hindi na ito kuwestiyon sa natalisod ni Dr. Milagros Ong-How sa patuloy nitong pag-iikot sa iba’t ibang panig ng bansa bilang pagpapalaganap ng kanyang mga produkto sa kanyang negosyong may kinalaman sa agrikultura o pagsasaka.

Kaya nga niya nakilala ang lahat ng klase ng mga magsasaka pati na ang mga pamilya nila at ito ang naging dahilan para isilang ang ToFarm na nagsimulang i-search na magbibigay parangal sa outstanding farmers of the Philippines.

Pero hindi roon tumigil si Dr. How. Dahil nga nakapulot siya ng magagandang kwento ng mga nakikilala niyang magsasaka, naisip niyang ibahagi ang mga ito sa pamamagitan ng pagsalin sa pelikula ng nasabing mga kuwento. Kaya kinumisyon niya si direk Maryo J. Delos Reyes para ilunsad ang ToFarm Film Festival na matutunghayan na simula sa July 13-19, 2016 sa SM Megamall at SM North.

Nagbigay ng tig-P500,000.00 grant si Dr. How sa anim na direktor sa kanilang mga pelikula: Free Range ni Dennis Marasigan, Pauwi Na ni Paolo Villaluna, Paglipay ni Zig Dulay, Pitong Kabang Palay ni Maricel Cariaga, Kakampi ni Victor Acedillo, Jr., at Pilapil ni Jose Johnny Nadela.

Ayon kay Dr. How, ang mission-vision ng ToFarm ay, “To highlight the aspiration of the Filipino farmers and their journey to success and to stimulate the agriculture community with the help of the film medium to promote awareness on the life of the Filipino farmers.”

And this early tumatanggap na rin ang ToFarm Secretariat ng entries sa 2nd ToFarm Film Festival (2017).

You may log on to www.tofarm.org to download the entry form.

Isa na namang mapagkawanggawa at may malasakit sa industriya ang isinilang in the person of Dr. How. Who has a big heart and generous hands!

Isang paraan ng kanyang pagbabalik-biyaya sa mga kamay na nagdadala ng pagkain sa ating hapag.

Tumabi-tabi muna ang iba. Daraan ang bagong Empressa ng Tsina, este Cinema.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …