Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Arlyn, umiyak na ala-Nora at Vilma nang manalo sa New York filmfest

00 Alam mo na NonieMAS ganadong magtrabaho ang astig na journalist turned filmmaker na si Direk Arlyn de la Cruz sa fourth movie niya titled Pusit. Habang ginagawa niya kasi ang latest indie project niyang ito’y nanalo siya ng award na Best International Film para sa movie niyang Maratabat sa The People’s Film Festival sa New York.

“Ito ang unang award ko, pero sa pangarap ko, marami na akong napanalunang awards,” nakatawang saad ni Direk Arlyn. “Naiyak ako, pero hindi iyong humahagulgol. Yung iyak na parang sira-ulo lang.”

Pang-Best Actress na iyak ba iyan, Direk? “Kombinasyon nina Nora At Vilma yung iyak ko, ganoon, e. Iyong biglang napasigaw, tapos nang umiiyak na, naging Nora bigla,” nakangiting saad pa niya.

Ayon pa kay Direk, tapos niyon ay tinawagan niya agad ang taong nagbigay sa kanya ng daan para makapasok sa pelikula at magawa ang Maratabat. Bilang filmmaker, nagsilbing inspirasyon din daw sa kanya ang naturang award.

Ang Pusit ay isang advocacy film na ang ibig sabihin ay positive sa AIDS or HIV. Ito’y tinatampukan nina Jay Manalo, Ronnie Quizon, Elizabeth Oropesa, Kristoffer King, Rolando Inocencio, Mike Liwag, Tere Gonzales, JM Santos, at iba pa.

Paano niya ide-describe ang kanyang fourth movie, sumasalamin ba ito sa lipunan?

“Ito ay salamin ng ignorance ng lipunan, salamin ng prejudice ng lipunan, salamin ng stigma na kaakibat ng sakit na ito, salamin din ng mga institusyon at ng mga grupo na gumagawa ng lahat ng bagay para matulungan at mabasag ang lahat ng stigma na nakakabit sa sakit na ito,” seryosong saad niya.

Anong aral ang makikita sa pelikula niya? “Mauunawaan dito na ang taong may HIV and AIDS ay katulad mo rin na lumalaban sa buhay. Na you have the same fight, you are fighting the same battle and maybe, harder lamang sa kanila.

“Ang ibig kong sabihin, you don’t have to condemn them. Hindi mo sila dapat pandirihan, dapat mo silang unawain, tanggapin, hayaang mabuhay, at hayaang magkaroon ng pag-asa na tulad nating lahat.”

Ang pelikula ay mula sa Pantomina Films at Blank Pages Production. Ang producer nito ay ang may-ari ng Goodwill Bookstores na si Mrs. Maria Teresa Cancio. Bale balik sa pagiging producer si Mrs Cancio dahil noong 1974 una siyang nagprodyus ng pelikula via Gloria Diaz starrer Sa Ibabaw ng Mundo.

Sinabi ni Mrs. Cancio kung bakit niya naisipang gumawa ulit ng pelikula. “I realized kasi na itong HIV/AIDS is an issue na lalong tumataas iyong cases at pabata nang pabata ang mga tinatamaan nito. When Direk Arlyn approached me, sabi ko, ‘Sige, I will join you’.

“Gusto kong makapag-add ng awareness sa generation natin ngayon not just to be aware but to be concerned sa mga nangyayaring incidence ng HIV where young people tend to be confident with themselves na dahil sa confidence nila, they tend to forget na puwedeng mangyari ito sa kanila.”

ALAM NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …