LAGI nating pinaaalalahanan ang mga manginginom na ilagay ang alak sa tiyan at hindi sa utak.
Sa kaso ng isang babaeng personalidad, hindi nga siya war freak sa tuwing malalasing pero may kakaiba siyang trip. Ang siste, espiritu ng alak ang nagbibigay sa kanya ng libido.
Once sa kanyang sobrang kalanguan mula sa ininumang bar sa Metro Manila ay pumara siya ng taxi. Hindi malinaw sa kuwentong nakarating sa amin kung ano ang hitsura ng drayber.
Maya-maya’y umepekto na ang trip ng babaeng personalidad na ‘yon. Seated in front at katabi ng driver ay ito ang kanyang pinagtripan.
“Please f…k me,” ang paulit-ulit daw na pagsusumamo ng hitad.
Ewan nga lang kung kumagat ang drayber sa paanyaya ng babaeng personalidad na itago na lang natin sa alyas na Nellie Angela.
( Ronnie Carrasco III )