Friday , November 15 2024

Tambay, dumami dahil sa K12

BALIK-ESKUWELA na kahapon. As usual ganoon pa rin ang sinalubong na mga problema ng mga mag-aaral na pumasok sa elementarya sa iba’t ibang paaralang pinatatakbo ng gobyerno.

Pare-parehong (perennial na) problema ang sumalubong sa milyong-milyon  pumapasok sa mga public school sa National Capital Region (Metro Manila) – shortage sa classroom.

Sa kakulangan ng silid-aralan, nandiyan iyong ginawang classroom ang comfort room; ilalim ng hagdanan; faculty room; at canteen. Bukod dito, ang school gym na ginawan din ng make shift rooms. Ito ay para ma-a-accommodate ang lahat. Hindi ksi puwedeng tanggihan.

Ang sabi, pansamantala lang naman daw. Ibig sabihin ay baka sa susunod na buwan ay makapag-aaral na mabuti ang mga bata. Kung totoo ngang pansamantala lang ang mga iniremedyong classroom. Madalas kasi ay pansamatagalan na ang lahat o hanggang matapos na ang buong academic year.

Taon-taon nang nararanasan ng mga mag-aaral, hindi lang sa elementarya kundi maging sa high school pero nakapagtatakang tila walang ginagawang hakbangin ang gobyerno hinggil sa perennial problem. Kung mayroon man, obvious na hindi sagad ang hakbangin.

Nasaan na ang iyong ipinagmamalaking gobyernong Aquino na handang-handa na ang kanyang DepEd? Nasaan na iyong mga sinasabi nila na hindi na magiging problema ang shortage sa classroom?

Kasinungalingan ba ang pahayag ng Aquino government? Ang sabi ay maraming mga bagong classroom, bagong gusali at kung ano-ano pang bago pero, wala pa rin palang pagbabago.

Ang nakatatawang posibleng maging kasagutan na naman ni Pangulong Noynoy Aquino sa problemang ito ay ituturo ang may sala o ‘di kaya, sisisihin na naman niya ang ipinakulong niyang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Malamang magtuturo na naman ‘yan! Si PNoy pa! a.k.a. “Mamang Turo.”

Pero infairness, ang room shortage ay sa Metro Manila lang  habang sa mga probinsiya ay masasabing sapat (nga ba) ang mga silid aralan. Kung mayroon man shortage, bibihira ito. Kaya lang sa mga liblib na lugar, hindi lang room shortage ang kanilang problema, kundi kakulangan ng guro o walang guro lalo sa mga bulubunduking eskuwelahan na halos hindi marating ng anomang klaseng sasakyan at sa halip ay sa mapapagitan lang ng paglalakad.

Hindi lang ito, marami rin lugar na walang paaralan. Kung mayroon man ay sa kabilang bayan pa na ang layo ay limang kilometro o higit pa.

Matagal na ang problemang ito pero ba’t balewala sa gobyerno pagkatapos… sa kabila na hindi nasosolusyonan ang problema, nandiyan pa ang problema sa K to 12.

Heto nga dahil sa ipinagpipilitang K-12, lalong dumami ang out of  school youth. Maraming hindi nakapag-enroll dahil sa kakapusan nina Tatay at Nanay. Akalain n’yo nga naman, dalawang taon dagdag gastos pa bago magkapag-college si Juan dela Cruz.

Hayun tuloy dahil sa pahirap na K12, minabuting hindi na papasukin nina Tatay at Nanay si Juan Dela Cruz dahil walang pagkukuhaan ng pangtustos.

Inaasahang 2.5 milyon ang mag-e-enrol sa Grade 11 para sa AY 2016-17 pero dahil sa kahirapan ay 1.5 milyon lang ang nakapag-enrol. Lumalabas na isang  milyon  magulang ang pinahirapan ng K12 ni Noynoy. Palibhasa  siya ay mula sa angkan ng mayayaman kaya, hindi na ikinonsidera ang kahirapan.

Okey naman ang K12 lamang, sana’y  bago minadali ay pinag-aralan mabuti ang masamang epekto kahit sabihin pa ng gobyerno na may subsidiya mula sa kaban ng bayan.

Vocational courses ang nakukuha para sa Grade 11 at 12, bakit kailangan pa? Tutal nandiyan naman ang TESDA. Kaya sana, iyong gustong kumuha ng vocational courses, doon na lamang papasukin sa TESDA at huwag nang pakialaman at idamay pa ang nais nang magkolehiyo.

Sana’y ibasura na ang pahirap na K12. Hindi lang ito pahirap sa mga estudyante kundi lalo sa mga magulang.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *