AKTRES na, co-producer pa. Isa itong bagong kabanata sa buhay-artista ni Katrina Paula na isa sa mga pangunahing bida sa Story of Love, herself the co-producer.
Showing on June 22, may acting part doon si Kat and at the same time ay narrator ng mga kuwento whose characters (played by Via Veloso, Ynez Veneracion, Joross Gamboa, etc.) are caught in life-changing situations. Pero ang pangunahing mensahe ng pelikulang ito na idinirehe ni GM Aposaga ay ang unconditional love na dapat nating ibigay sa ating kapwa.
Kat, of course, rose to fame sa mga pelikulang may pagka-sexy, pero mismong si direk GM na ang nagsabi na isa siyang aktres sa tunay na kahulugan nito.
( RONNIE CARRASCO III )