Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunshine Cruz, handang isakripisyo ang love life para sa mga anak

00 Alam mo na NonieNAKABILIB at nakakatuwa naman ang pagiging devoted mother ng maganda at talented na aktres na si Sunshine Cruz. Nang mag-guest kasi sa morning show ng ABS CBN na Magandang Buhay sina Sunshine at ang kanyang Tres Marias na sina Angelina, Samantha, at Francheska, tinanong siya ni Karla Estrada, “Ano ang willing mong i-give-up for your kids?”

Sagot ni Shine, “Iyong career, hindi ko magi-give-up sa kanila. Kapag sinabi nilang ihinto ko ang pagtatrabaho, hindi puwede, wala kaming kakainin.

“Pero kapag kunwari mayroon akong mapupusuan in the future and sinabi nila na hindi nila gusto para sa akin, hindi ako magdadalawang isip, bibitiwan ko para sa kanila.

“Para sa akin, sabi ko nga, I couldn’t ask for more, sila ang sobrang kayamanan ko and I’ll be forever grateful and thankful that I have them.”

Dagdag pa ni Sunshine, “Ako, gusto ko lang na lumaki sila na mabubuting tao. Kapag ang kalooban mo ay mabuti, matulungin ka, may respeto ka sa kapwa, mapagmahal ka, lalapitan at lalapitan ka ng mga tao.”

Proud na proud din si Sunshine sa kanyang tatlong anak dahil bukod sa mababait at magaganda, matatalinong bata ang mga ito. Talented din sila pati sa kantahan.

Nang usisain naman ni Jolina Magdangal kung ano pa ang namana nila sa aktres bukod sa beauty, eto ang sagot ng aktres.

“Lahat sila nakakakanta talaga, pero ang mahihiilig na mahilig talaga at hindi nahihiya, itong sina Samntha at Cheska, talagang singers ang mga iyan at mayroon silang banda sa school sa La Salle.”

Pagdating naman sa suitors, aminado siyang may mga manliligaw. Pero hindi na raw niya ito pinatatagal kapag walang spark.

“May mga nanligaw pero binasted ko kasi walang spark. Parang for my age, I’m turning 39, kung walang spark, papatagalin mo pa ba? Ang sa akin, kung wala namang spark, turn-down na. And I know God is preparing someone for me, iyong the best pine-prepare Niya.” Nakangiting saad pa ng aktres na napapanood sa Dolce Amore.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …