Monday , December 23 2024

P5.18-M marijuna sinunog sa Kalinga

BAGUIO CITY – Aabot sa P5.18 milyon halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng pulisya sa isinagawa nilang marijuana eradication sa tatlong plantation sites sa Brgy. Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Ayon sa Police Regional Office-Cordillera, aabot sa 6,000 piraso ng marijuana plants ang binunot at sinira ng mga operatiba sa Sitio Balete, na nagkakahalaga ng P1.2 milyon, habang aabot sa 10,000 piraso ang marijuana seedlings na nagkakahalaga ng P400,000.

Samantala, aabot sa 14,400 piraso ng marijuana plants ang sinira sa Sitio Challet na tinatayang nagkakahalaga ng P2.88 milyon.

Sa Sitio Chalog ay aabot sa 3,500 piraso ng marijuana plants ang sinira ng pulisya, na nagkakahalaga ng P700,000.

Sa kabuua, aabot sa 23,900 fully grown marijuana plants at 10,000 piraso ng marijuana seedlings ang binubot at sinunog ng mga pulis sa naturang lugar.

Samantala, walang nahuling marijuana cultivator sa isinagawang operasyon.

About Hataw News Team

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *