NAKAILANG episode rin ang Happinas Happy Hour (na napapanood tuwing Biyernes, 9:00 p.m. sa TV5) na may sariling segment si Maria Ozawa, ang Cooking ni Maria.
Pero nitong nagdaang Friday, kakaibang pampakilig ang kanyang hatid, ang Gusto Mo ‘Sang Kiss?, na pagbibigyan niya ng halik ang kanyang mga male guest only to give them a Sunkist orange sa aktong lalapat na ang mga labi nito sa kanya.
Anyway, dapat ipagpasalamat ng dating adult film star na sumikat sa Japan ang break na ito mula sa TV5. Matatandaang she was first introduced in the MMFF 2015 entry Nilalang opposite Cesar Montano na natsismis pa nga sa kanya.
Although her exposure in Happinas Happy Hour is not totally wholesome, hindi maikakaila na ang malakas niyang bentahe sa mga manonood ay ang kanyang ganda at sex appeal na hindi bastusin.
Kung lahat ba naman ng mga porn star sa buong mundo ay katulad ni Ozawa, definitely, there’s still a respectful world of men na naghihintay sa kanila.
( RONNIE CARRASCO III )