Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marlo Mortel, dedma sa intriga dahil sa We Love OPM at UKG ang focus

00 Alam mo na NonieNAG-REACT ang maraming fans ni Marlo Mortel ukol sa lumabas na intrigang pinagdududahan ang gender ng Kapamilya actor. Nag-ugat ito sa balitang binigyan ni Marlo ng bracelet ang Hashtags member na si Macoy. Hindi siguro alam ng nagsulat na ang ibinigay ni Marlo ay Ornstal na siya mismo ang nagmamay-ari, ito ang negosyo bale ni Marlo.

Ilan sa mga PM na natanggap ko ay galing sa Marlo’s World at Marlo’s World Global na naka-base sa Singapore, Dubai, Hong Kong, Chicago, Florida, New Hampshire, Kuwait, Nevada, California, Portland, at iba pa. Heto ang sample:

“He was slightly moved for he didnt know where the issue rooted from but he is very much confident about his gender! He has high respect for those who are gay and has no problem with it; it is just that lalaking lalaki po siya. Hiling nga din ng global fans na sana maisama si Marlo sa world tour, para naman magkaroon ng chance to meet him.

“Sina Marlo at Maccoy, sobrang tagal na nilang magkakilala, wala pa sila sa showbiz super friends na sila. They can check the Ornstal instagram account and makikita nyo po mga Hashtags members na nabigyan ng Ornstal. Unfair sa part ni Marlo kung hahayaan naming isipin ng lahat na ganoon siya. Nahe-hurt kami, kasi he’s trying his very best sa lahat ng ginagawa niya para sa family niya, sa dreams niya at wala naman siyang sinasagasaang tao, kaya kaming supporters niya, nasa likod kami ni Marlo, susuportahan namin siya…

“Yung Ornstal business niya kasi, it’s still growing, nagiging successful siya dahil marami na rin celebrities ang bumibili, kaya sana naman ay huwag sirain yung bagay na yun dahil isa yun sa pinakamahalaga kay Marlo. Ang hinihiling lang namin, let’s just be fair, respect at maging totoo sa mga pagsulat, iyon lang po and thank you so much.”

Eto naman ang naging pahayag ni Marlo sa isyu, “Sa totoo lang po, sanay naman ako sa ganyan, may mga tao talagang pilit kang hihilahin pababa at sisiraan ka talaga. Bago ko pa binigyan si Mccoy, binigyan ko rin po ung ibang Hashtags members (Tom, Jon, Ronnie, etc.) na posted po sa Instagram account ng Ornstal, sa katunayan po di lang nman po sila ang binigyan ko, marami pa po sa mga showbiz friends ko ang nag-avail nito kaya po masaya ako at nagpapasalamat po sa success nang business ko dahil sinuportahan din nila ito. Basta po ako, sa lahat ng mga nangyari, tinanggap ko naman po. Marami na din po akong hirap na napagdaanan at pinagdadaanan pa rin hanggang ngayon para lang makarating sa kinalalagyan ko ngayon. Basta ako ginagawa ko ang best ko na magtrabaho para sa pamilya ko, yun lang ang importante sa akin, maging stable para sa pamilya ko.”

Nabanggit din nila sa kin na ayaw nang patulan ni Marlo ang isyu dahil mas naka-focus ito sa We Love OPM at Umagang Kay Ganda sa Kapamilya Network.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …