Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Elmo, ‘di maka-get-over kay Pomeranz

IBANG mga hugot naman.  Ang mga linya at katagang  mabibitawan every now and then ng istorya ng star-crossed lovers na ipakikilala sa bagong serye ng ABS-CBN na magsisimula na sa June 20, na tatampukan ng bago ring loveteam na sina Elmo Magalona at Janella Salvador.

Ang Land of The Rising Sun naman ang magiging backdrop ng lovestory nina Sam Kazuko na isang aspiring Pinay singer na lumaki sa Japan at si Kevin Sebastian na isang sikat na singer at anak ng OPM icon na si Mike Sebastian (Ariel Rivera) na nagpasikat ng kantang Born For You.

Nakuha ng ABS-CBN ang kanta ng singer-composer na si David Pomeranz na isa sa kanyang hits para gamitin sa serye at siya na rin ang lumabas sa music video nito kasama ang mga bida.

Kaya extra happiness sina ElNella dahil pumayag ito to sing it with a new arrangement.

Kung may pagkakapareho ang dalawa sa ugali nila eh ang pagiging tahimik. So, paano sila nag-bonding sa pamamalagi nila sa Japan?

Si Janella, napanood na once sa isang serye si Elmo.

“Sabi ko, hala, pareho kaming quiet, paano kami magkakasundo. At first. Medyo quiet siya at first. Pero noong nagkausap na kami ng matagal, lalo na po sa Japan, nagka-bonding kami, marami kaming bagay na napagkakasunduan.”

Si Elmo aminadong napapanood na niya noon sa Be Careful with My Heart ang dalaga.

Dagdag pa ng binata, “Isa sa na-discover ko is that we both love food, Japanese food to be exact so pagdating namin doon, kain kami ng kain talaga, plus we both love pets, animals so when we have the free time, maraming  pets store in Japan, so nagtingin-tingin kami ng dogs, ng cats.”

Hindi maka-get over si Elmo at amazed nang makasama nila ang sikat na si David.

“Sobrang it’s so surreal na David Pomeranz himself flew in to sing a new rendition of his original song para sa soap namin and it’s such a big honor na ma-meet namin siya to shoot our music video,.”

Siguradong tututukan ang chemistry ng dalawang malamang na tamaan ng ilang paniniwala sa mga lover sa Japan na irerelay ni direk Onat Diaz sa mga manonood!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …