Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Acting ni Vin, pang-MMK na ba?

ALL fire! Sa sayaw ng pag-ibig. Ito naman ang istorya ng pag-iibigan ang ipamamalas sa episode ng MMK (Maalaala Mo Kaya) ngayong Sabado, June 11, na magtatampok kay Jessy Mendiola sa isang napaka-seksing role as a pole dancer.

At ang kasalo niya sa kuwento ng pag-ibig ng longest drama anthology in Asia na nagdiriwang ng ika-25 na taon nito ay ang aktor na bunga ng isang reality-talent search na si Vin Abrenica.

Kung si Elmo ay may iniwan ding partner sa paglipat niya sa Kapamilya, si Vin din daw eh, mayroon.

Pero say ni Vin, “Sophie and I are still very good friends. And ‘yung mga ganitong bagay naman lalo na pagdating sa mga trabaho eh, napag-usapan na namin. Ngayon, all I feel is that ang lakas ng fire ko ngayon. Sobrang excited with the things na gagawin ko and very thankful ako na itong ‘MMK’ ang una kong sasabakan.”

Kaya rin super excited si Vin eh dahil sa pag-asam na makasama sa isang proyekto ang iniidolo niyang si Jericho Rosales.

And when compared to his brother Aljur, ito raw ang mas guwapo sa kanya pero sisiguruhin niyang siya ang mas magaling sa akting sa kuya niya!

Isang musikero ang papel ni Vin sa MMK at dancer naman si Jessy. At nang paghiwalayin sila ng tadhana eh nanatili pa rin ang dalaga sa patuloy na pagmamahal sa kanya.

Ang episode na #MMKPoleDance ay mula sa direksiyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Ang alindog ni Jessy sa pole. Ang hibik ng puso ni Vin. Maaaring ito rin ang istorya ng buhay mo.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …