HEY there saucy girl.
‘Yan pala ang tawag ni Yael Yuzon sa kabiyak ng pusong si Karylle Tatlonghari. Dahil kapag pala natatapak sila sa iba’t ibang panig ng mundo, sari-saring mga sawsawan ang bininitbit ni Yael sa kanilang maleta for the enjoyment of the wife na nangungolekta nito. Para when she concocts a dish sa kanilang frying pan eh, sige pa rin ito sa pag-eeksperimento sa paghahalo-halo pa rin ng kanilang mga biniling sari-saring spices.
Pero hindi naman daw sasabihing ito ang paglilihian ng inaantabayanan na sa kanyang pagiging isang inang si Karylle.
Ayon sa kuwento, pati pala ang petsa kung kailan isisilang ang kanilang panganay eh, pinag-aaralan ni Yael. Para raw kapag nagsimula na ito sa kanyang pagpasok sa paaralan eh, eksakto ang edad sa nasabing school year.
Imagine! Naisip ni Yael ‘yon for his saucy girl and their baby-to-be (made soon!)
HARDTALK – Pilar Mateo