Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tetay, balik-morning show na

SA tanggapin man o hindi ng mga anti-Kris Aquino—for some reason or another—mornings on TV ay walang kagana-ganang salubungin kapag wala ang soon to be ex-presidential sister.

But good news para sa mga tagahanga pa rin ni Kris, pretty soon ay balik-morning TV na siya dahil matatapos na ang kanyang bakasyon.

Matatandaang kinailangan niyang tumalikod sa showbiz (for the nth time!) dahil sa maraming dahilan. Una, kesyo she needed to address certain health issues. At nitong huli, ikinatakot daw niya ang bantang pagdukot umano sa kanya ng isang rebeldeng grupo.

Pero sa balitang pagbabalik ni Kris, naiimadyin na namin ang nakaambang kompetisyon ng dalawang “reyna”—si Kris bilang Queen of All Media at ng misis ni Dingdong Dantes na binansagan namang Primetime Queen ng kanyang estasyon (kahit wala pa namang show na ipinalalabas muli sa primetime!).

So, sino sa kanilang dalawa ang bet n’yo? Personally, I may not like Kris pero kung sa husay at husay din lang niyang mag-host, ‘di hamak na mas kapanood-nood siya, ‘no!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …