Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vina Morales, pumalag sa pambu-bully daw ni Cedric Lee

00 Alam mo na NonieUMALMA na si Vina Morales sa aniya’y ginagawang pambu-bully sa kanya ng dating karelasyon na si Cedric Lee. Ayon sa ulat ng PEP.ph, nag-file ng reklamo ang singer-actress sa San Juan Prosecutor’s Office kontra kay Cedric.

May kinalaman ito sa umano’y sapilitang pagdala ni Cedric sa kanilang seven-year-old daughter na si Ceana. Tu-magal umnao ng nine days na walang pahintulot mula kay Vina.

Naganap ang insidente habang nasa ibang bansa si Vina with her boyfriend na si Marc Lambert.

Sa message na ipinadala ni Vina sa PEP.ph, sinabi niyang nilabag ni Cedric ang utos ng korte na tuwing Sabado lamang niya maaaring makita ang kanilang anak.

“I filed a case against Cedric last Friday. I have a hearing tomorrow [June 8] at 8:30 A.M. in San Juan. Cedric detained my daughter Ceana forcibly without my permission for 9 days while I was away, and violated the court-approved visitation rights every Saturday,” saad ni Vina.

Matatandaang sa mga naka-raang insidente na may kinalaman kay Cedric, partikular ang insidente ng pambubugbog nito kay Vhong Navarro, umiwas si Vina na magkomento laban sa ama ng kanyang anak. Ngunit ngayon ay tila napuno na si Vina.

Nabanggit din sa ulat na ayaw daw sanang magpaha-yag ni Vina hinggil sa naturang insidente, ngunit may hangga-nan daw ang pambu-bully ng dating kasintahan sa kanya at pamilya nila.

Hopefully, ang mga tulad ni Cedric ay masampolan ng Duterte administration. Para ang mga nagtitigas-tigasan ay lumambot at tumino.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …