Thursday , December 26 2024

Direk Maryo, namangha sa mga pelikulang kasali sa ToFarm FilmFest

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWA ang adhikain ng ToFarm Film Festival. Layunin nitong iangat ang mga magsasaka gayundin ang professional development nito.

Sa paglulunsad kahapon ng 1st ToFarm FilmFest sa Shangri-La Hotel, sinabi ni Rommel Cunanan, ToFarm Project Diretor, nais nilang suportahan ang mga magsasaka at i-encourage ang  mga kabataan na ipagpatuloy ang pagtatanim.

“We all know that the biggest problem in our country is the food security,”panimula ni Cunanan. ”Ten to 20 years from now, problema na nating lahat ‘yan. Hindi lang natin nararamdaman ngayon pero we are very sure that a lot of organization a lot of countries problema na ngayon iyan. Hopefully, itong mga pelikulang ito, i-encourage na natin ang general public, particularly ‘yung mga wala sa agriculture sector to join the band wagon.

“Our farmers cannot do it alone, our government is trying their best to help the agriculture sector that’s why tayong nasa pribadong sector kailangan nating tulungan ang dalawang grupo na ‘yan para maging successful.”

Bale ang film festival na ito ay nakasentro o tatalakay sa mga buhay-buhay, paglalakbay, pangarap, at mga pagsubok ng mga magsasaka, ang kanilang tagumpay at pagkabigo at iba pang bagay ukol sa pagtatanim at kapaligiran.

Ang ToFarm ay brainchild ni Dr. Milagros Ong-How, executive vice president ng Universal Harvester, Inc., at pinamumunuan naman ito ng Filipino Master Film Director na si Maryo J. delos Reyes, ang Festival Director.

“Ang mga magsasaka at ang kanilang kapalaran ay kasalukuyang nasa center stage. Napapanahon na para tulungan sila ng ating industrya,” ani delos Reyes, na magaganap ang 1st ToFarm Film Festival Philippines sa Hulyo 13 hanggang 19.

Ang filmfest, ang The Search and Award for The Outstanding Farmers of the Philippines (ToFarm) at Universal Harvester, Incorporated, ay may temang The Plight of the Farmer: His Trials and Triumphs. Ito ay may anim na pelikulang ipalalabas sa mga piling sinehan sa SM Megamall, Mandaluyong City, at SM North Edsa, Quezon City.

“Agriculture ang focus ng mga balita ngayon,” sambit pa ni Delos Reyes na inihalimbawa ang kontrobersiyal na protesta sa Kidapawan, South Cotabato noong Marso na nagkaroon ng karahasan kaya namatay ang tatlo katao at   ang mahigit sa 100.

Ibinigay din halimbawa ni Delos Reyes ang Senate Bill 3002 na isinulong ni Senator Cynthia Villar, chair ng Senate agriculture and food committee, ang batas na pumasa sa final reading sa Senado at Kongreso noong Enero na naglalayong mapalaganap ang farm tourism sa bansa.

“Tayo, bilang cineastes, ay maaaring makatulong sa pagpapalaganap sa kung ano talaga ang nangyayari sa mga magsasaka sa pamamagitan ng mga pelikulang ito. Dapat silang bigyan ng pansin, ‘di ‘yong puro salita lang tayo. Isang magandang move ang pag-patronize natin sa mga pelikula,”sabi ni Direk Maryo J na tuwang-tuwa sa resulta ng mga pelikulang nakasali sa festival.

“Namangha ako sa magagandang pelikulang kasali rito sa ToFarm. Six films is no joke,” giit pa niya.

“Dalhin natin sa kanila ang pelikula. Balak ng organizers ng ToFarm filmfest na magsagawa ng regional screenings sa mga siyudad tulad ng Angeles, Cebu and Davao, at sa probinsiya ng Cabanatuan sa Nueva Ecija.

“Eventually, magkakaroon tayo ng caravan na magdadala sa mga pelikulang ito sa mga baryo. Maaari itong ipalabas sa gyms sa barangay,”paliwanag pa ng premyadong director.

Ang anim na kalahok ay nakatanggap ng grant na P1.5-M na nakuha nila ng tatlong tranches na tig-P500,000.

“We need more people like her,” sabi ni Delos Reyes patungkol kay Dr. How, na siyang nakaisip ng proyekto. ”Ginawa niyang advocacy ang tumulong sa farmers at sa agriculture industry. Ngayon tumutulong naman siya sa showbiz by employing people and enabling young directors to realize their passion for filmmaking.”

ANIM ANG MAGLALABAN-LABAN

ANG mga kasaling pelikula ay ang mga sumusunod:

Pilapil, isinulat at idinirehe ni Jojo Nadela. Ito’y ukol sa lalaking nais takasan ang buhay-magsasaka para humanap ng mas magandang oportunidad sa ibang lugar at ukol sa isang batang lalaking paraiso naman kung ikonsidera ang taniman. Tampok dito sina James Blanco, David Remo, Pancho Magno, Diva Montelaba, Bonbon Lentejas, at Rez Cortez.

Pitong Kabang Palay, isinulat at idinirehe ni Maricel Cariaga. Mga magsasaka na nagmula sa Isabela, ang Dela Cruz family na mayroong simpleng buhay, simpleng pangangailangan na hindi naghahanap ng anumang karangyaan. Maligaya na sila na nagtatanim ng palay at anumang puwedeng itanim pa sa kanilang lupain. Subalit sa ibang miyembro ng kanilang pamilya, hindi  iyon sapat na nangangarap magkaroon ng mas maayos na pamumuhay. Hindi sila kontento na pagkatapos ng anihan, kakaunti na lamang ang natitirang palay o bigas para sa kanila. Tampok dito sina Arnold Reyes, Sue Prado, MickoLaurente, Alfonso Ynigo Delen, at Precious Miel J. Espinosa.

Free Range, isinulat at idinirehe ni Dennis Marasigan. Ukol sa isang anak na ginawang alagaan ng manok ang sinasakang lupa. Nang bumenta ang kanyang produkto at saka naman nagkasakit ang kanyang ama. Maraming problemang kinaharap si Chito. Rito’y binalikan niya ang pagsasaka at naging maganda ang bentahan ng organic egg. Tampok sa pelikula sinaPaolo O’Hara, Jackie Rice, Mads Nicolas, Michael de Mesa, Jojit Lorenzo, Leo Rialp, at Anna Feleo.

Kakampi, isinulat at idinirehe ni Victor Acedillo Jr. Ito’y true story ng isang cab driver who takes on passenger Jun for a nostalgic ride. Ikinuwento ni Ben ang isang pangyayari na naganap five years ago nang pauwiin siya sa Camiguin Island para magsagawa ng indigenous farming ritual na hindi na ginagawa ng karamihan ngayon. Dapat ay ipinasa ito ng kanyang lolo sa kanya bago ito mamatay. Ang ritwal ay siansabing skepticism dahil ito’y unscientific, subalit itinuturo nito ang isang bagay— To treat nature and all of life with love, humility and respect. Nagbalik si Ben sa kanilang probinsiya para i-save ang mga puno na hindi na namumunga. Tampok sa pelikula sina Neil Ryan Sese are thespians Gloria Sevilla, Felix Roco, Suzette Ranillo, Kate Brios, at Perry Dizon.

Pauwi Na,isinulat at idinirehe ni Paolo Villaluna. Ito’y ukol sa isang may sakit na lalaki, isang magnanak, isang aso, isang bulag na buntis, at kay Jesus Christ habang patungo sila sa isang tragic-comic journey ng self-discovery nang magdesisyon silang magtungo sa Maynila mula Bicol. Inspirasyon ito mula sa news article sa Philippine Daily Inquirer (Family pedals way back home to Leyte, Sept. 7, 2003). Tampok sa pelikula sinaBembol Roco, Cherry Pie Picache, Meryll Soriano, Chai Fonacier, Jess Mendoza, Jack the Dog, Boots Anson Roa, Gio Alvarez, atTessie Tomas.

Paglipay, isinulat at idinirehe naman ni Zig Dulay na nag-focus sa Atan, isang Aeta na nagmula sa Baytan village sa Zambales, na nabubuhay sa pamamagitan ng traditional farming system na kung tawagin ay kaingin at nanghuhuli sa ibaba ng Mt. Pinatubo. Tampok sa pelikula sina Garry Cabalic, Anna Luna, Joan de la Cruz, Manel Sevidal, Natasha Cabrera, Norman King, Gigi Locsin, Joel Saracho, Upeng Fernandez, Ken ken Nuyad, at JC Santos.

Ang anim na pelikula ay maglalaban para sa tropeo at cash prize na P500,000. Ang mananalo ng Second Best film ay mag-uuwi ng P400,000, at ang Third Best film ay P300,000. Magbibigay din ng Special Jury Prize sa awards ceremony na gaganapin sa Hulyo 19.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *