Friday , November 15 2024

Life sa 3 huli ng QCPD-DAID patunay na hindi nagpapakitang gilas

PAKITANG-GILAS nga ba ang Quezon City Police District (QCPD) sa kanilang malalaking huli sa droga para makuha ang atensiyon ni incoming president Digong Duterte?

Alam naman natin na noong panahon ng kampanya para sa May 2016 presidential election, isa sa pangunahing ipinangako ng bagong halal na pangulo ang pagsugpo sa droga.

Katunayan, kamakailan  napaulat na mayroon nang presyo na nakapatong sa ulo ng mga mahuhuling drug lord – P3M bawat ulo. Kaya dahil sa kampanya ng bagong pangulo laban sa droga, maraming nagsisipag-sipagang opisyal ng Philippine National Police (PNP) .

Oo, ayaw man aminin ng maraming opisyal ng PNP ang pakitang tao nila kay PRD, hindi nila ito maitatago. Lamang, ewan lang natin kung talagang sangkot sa droga ang mga napapatay na sinasabing pusher. Maaari rin sangkot sa droga pero  alaga pala ng mga pulis at itinumba na dahil sa takot na ikanta sila ng kanilang drug asset. Kaya tumba ang mga bugok na nagtiwala sa mga pulis.

Ngayon kung obvious ( ang pakitang tao o kaplastikan) ang hakbang ng maraming PNP official, ang patuloy na kampanya ng QCPD  laban sa droga ay hindi pakitang-gilas kundi noon pa man ay sinsero na sa pagsugpo sa droga.

Katunayan, tatlo sa mga aresto ng QCPD District Anti-Illegal Drugs (DAID) na pinamumunuan ni Chief Insp. Enrico Figueroa, ay hindi lang bumagsak sa selda kundi abot langit na ang kanilang pagsisisi.

Paano kasi, habambuhay na silang maghihimas ng rehas hindi lang sa Quezon City Jail kundi sa Bilibid sa Muntinlupa.

Oo ang tatlong pusher na sina Jamel Ismael alyas Boss; Romnick Riga alyas Nick; at Mujib Abdulhamin na inaresto noong Agosto 10, 2015 matapos makompiskahan ng isang kilong shabu na  nagkakahalaga  ng  P5  milyon  ay napatunayang nagkasala.

Hinatulan ni QCRTC Br. 79 Judge Nadine Jessica Corazon J. Fama noong Marso 2016, ang tatlo na makulong nang habambuhay matapos mapatunayang nagkasala sa paglabag sa R.A. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Take note, Agosto 2015 nahuli ang tatlo – wala pa si Mayor Digong o hindi pa pangulo si Digong… and take note uli, Marso 2016 nang hatulan ang tatlo – uli hindi pa pangulo si Duterte.

Meaning, hindi nga pakitang gilas o nagpapasikat lang ang DAID kundi kahit kung sino pa ang Pangulo ng bansa ay pinaninindigan lang ng QCPD o nina Chief Supt. Edgardo G. Tinio, QCPD Director at Maj. Enrico, Sr. Insp. Manuel Laderas, Insp. Don Llapitan at sampu ng mga taga-DAID, ang kanilang sinumpaang paglingkuran ang mamamayan.

Kaya sa mga pakitang gilas, mahiya naman kayo… bukod p,a makonsensiya rin kayo sa ginagawang pagtumba sa mga sinasabi ninyong drug pushers. Pushers nga ba sila o police assets?

Sa paghatol din sa tatlong pusher malamang, ganyan din ang mangyayari sa mga iba pang nadakip.

Habambuhay na hatol ang matitikman at kung abutin pa nang malas, malamang bitay ang hatol sa kanila lalo na kapag maihabol sa panahon ni PDU30 – ibalik ang bitay.

Lagot kayo!

Kaya mga tulak diyan bago kayo itumba, ikanta nang ikanta ninyo ang mga pulis na nag-aalaga sa inyo.

Last week, sa opersyon ng DAID, isa na namang bigtime drug dealer ang nadakip ng DAID.

Kapag mapatunayan ng korte na ang nadakip na si Sonny Baculanlan alias “Ricky” ng Limbaga St., Brgy. Laging Handa, Quezon City, malamang life o bitay ang magiging hatol dito.

Muli, sino’ng nagsasabing pakitang gilas lang ang QCPD-DAID?

Mali po kayo!

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *