Sunday , December 22 2024

Kakaibang pananaw

SANA ay mabago ang kakaibang paniniwala o pananaw ng bagong mauupong Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mamamahayag at kadahilanan ng media killings.

Kamakailan lang ay nagpahayag si Duterte na may ilang mamamahayag umano ang pinaslang sa bansa dahil sila ay corrupt. Kinondena ito ng marami.

Maging ang guro na maybahay ng reporter/columnist na si Alex Balcoba na si Florabel ay umalma sa pahayag ng susunod na pangulo. Si Alex ang pinakahuling taga-media na pinaslang ng riding-in-tandem sa Quiapo nitong nakaraang Mayo 27.

Naiyak sa galit ang biyuda dahil parang nawalan daw siya ng pag-asa na malulutas ang kaso batay sa pahayag ni Duterte. Hindi raw naging corrupt ang kanyang asawa kailan man.

Sa galit ng international media group na Reporters Without Borders ay hinimok nila ang Philippine media na i-boycott ang press conference ni Duterte hangga’t hindi humihingi ng paumanhin sa nasabi. Nagpahayag tuloy ang kampo ni Digong na hindi muna siya magpapa-press conference.

Ang Committee to Protect Journalists ay nagsabi na ang obserbasyon ni Digong na nagbibigay ng katwiran sa media killings, ay nagbabanta naman na gawing “killing field” ang ating bansa para sa mga mamamahayag.

Ang komento ni Duterte ay maaaring batay sa naganap sa isang radio commentator sa Davao City na batid niyang pinaslang dahil sa pagiging corrupt. Gayon man ay hindi naman dapat asahan ni Digong na pare-pareho ang media at ipalagay na ang lahat ay nanghihingi ng pera.

Alalahanin na tungkulin ng media na ilantad ang katotohanan sa likod ng mga kaganapan. Kapag nasilip ng reporter na may nagawang kapalpakan ang isang pribadong mamamayan, politiko o opisyal ng gobyerno ay ibabalita niya ito sa pahayagan, radyo, TV o sa online news.

Tagapaghatid lang ng ulat ang mamamaha-yag dahil ang totoong lumikha ng balita ang sino mang paksa ng report at gumawa ng pagkakasala.

Kung nabatikos man sa ulat ay puwedeng sagutin ng kinauukulan.

Pero dahil nabuko ang kalokohan, sa halip na sumagot ay mas pinipili pa ng iba na umupa ng hired killer para ipapatay ang mamamahayag.

Para sa kaalaman ng susunod na Ginoong Pangulo, ito ang dahilan sa likod ng karamihan ng media killings sa bansa.

Oo nga’t may mga mamamahayag na nababayaran pero iilan lang sila kompara sa karamihan sa amin na tapat na ginagampanan ang aming tungkulin na ibunyag ang katotohanan sa madla.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *