Marami ang na-disappoint nang marinig na nagsalita ang anak ni Duterte na si Baste.
He was not half as articulate as his dad and he was obviously groping for words. Mas mabuti pa raw na hindi na lang nagsalita si Baste dahil intact pa ang kanyang mystery at masculine allure.
As things stand, his thick Visayan accent stood in the way of his becoming the sophisticated dude that his would be fans would fantasize were fantasizing about him.
Well, he is just new in the field of politics. Give him a little more time and he’ll positively bloom.
Simpleng tao lang naman kasi si Baste before he was dragged into the political arena.
‘Yun nga lang, nawala nga ang pantasya sa kanya ng mga vaklung that he’s a man of culture and erudition.
The way it is, medyo garil pa pala siyang Managalog at hindi maganda ang speaking voice. Konting modulation pa at mag-i-improve pang tiyak ang kanyang manipis na speaking voice at babagay na sa impressive bulk ng kanyang katawan.
‘Yun na!
MAHIHIRAPAN NANG AGAWIN ANG SHOW
Sarah Geronimo’s loss is Sharon Cuneta’s gain.
The way the show is progressing fabulously well, mahihirapan na siguro si Sarah G. na muling agawin ito kay Mega in the event that she decides to stage a dramatic comeback.
Firmly entrenched na kasi si Mega sa show with a rating that’s skyrocketingly impressive.
Kung hindi ako nagkakamali, 36% point something yata ang rating ng show nina Mega kaya swak na swak ang kanyang hosting style kina Bamboo at Ms. Lea Salonga.
Ang napupuna lang namin, mukha yatang mas marami ang nag-aalaga kay Ate Shawie sa show. The last time I was there, I have come to notice that Ms. Sharon had a coterie of make-up artist, hairdresser and stylist to assure that she was looking her best in the show.
Kung sabagay, it was her own expen-ses according to some people in the show. Sariling gastos raw ni Mega ang kanyang mga beauty consultants at stylist at hindi ito sagot ng show.
Well, dapat lang naman na protektahan ni Mega ang kanyang sarili dahil maraming mga mata ang naka-focus sa kanya sa show.
Anyhow, Mega’s so happy that the show’s rating is indeed fabulous. What a way to stage a comeback!
Congrats, Mega!
NATAUHAN SA BANAT NI MO TWISTER
Buong katarayang sinabi raw ni Mocha Uzon sa kanyang instagram account na, “Support Duterte or die! We will be forced to remove you from office if you don’t!”
Nang mabasa ito ni Mo Twister, sandamakmak na pagmumura ang natikman ni Mocha baby. Hahahahahahahahahahaha!
Inilampaso talaga niya ang babaeng mataray at feeling wife ni President Duterte. Hahahahahahahahaha!
Siguro next time ay maghihinay-hinay na si Mocha sa pangla-lambaste sa ating lady Vice President na si Madam Leni Robredo na wala namang ginagawang masama sa kanya at sa kanyang pre-sidente.
Tahimik lang si Vice President Leni at cool lang na nagmamanman sa mga kaganapan.
Kung ayaw siyang bigyan ng posisyon ni Duterte, so be it.
Hindi naman siya nagrereklamo.
Kumbaga, it’s not for her to complain. Cool lang siya at tahimik laban sa mga pinagsasasabi ni Duterte.
‘Yun nah!
NAKATATAWA ANG SIDE COMMENTS!
Hahahahahahahahahaha! How so very amusing naman the side comments of some uncouth people regarding JC de Vera’s acting at the Wansapanataym weekly soap. Kulang daw kasi sa wit and spontaniety si JC kaya perfect shoo-in sa role niyang hindi masyadong articulate sa Wansapanataym. Hahahahahahahahahahaha!
Anyway, is JC being theatened now that Luis Manzano seems to be courting Jessy Mendiola?
Well, I think JC’s perfectly secure when it comes to Jessy’s love.
Wala naman siguro siyang dapat na patunayan pa. Nagmahalan at nagkasundo sila ni Jessy and it’s going to remain that way.
Frencheska Farr, bida sa Alamat ng Dama de Noche
Drama, musika, hugot, at nakabibighaning 3D animation ang naghihintay sa buong pamilya at sa mga hopeless romantic ngayong Linggo (June 5) sa Alamat, na tampok ang Kapuso si-nger-actress na si Frencheska Farr.
Sikat ang Dama de Noche sa ating bansa dahil sa kakaibang uri ng pagtubo nito. Bakit nga kaya tuwing pagsapit ng dilim lamang naglalabas ng napakatamis na halimuyak ang bulaklak na ito?
Sa “Alamat ng Dama de Noche,” bibigyang-boses ni Frencheska ang karakter ni Dama, isang dalagang biniyayaan ng kakaibang katangian. Sa tuwing siya kasi ay masaya, mabangong halimuyak ang nagmumula kay Dama.
Ngunit magbabago ang halimuyak na ito sa pagdating ng palikerong si Señorito Luis, na bibigyang-tinig ni Rafa Siguion-Reyna. Humaling na humaling si Luis kay Dama at hindi siya tumigil hangga’t hindi sila nagpakasal. Ngunit kung ano’ng saya ni Dama bago mag-asawa, tila napalitan ito ng pait at pasakit sa piling ni Luis. Unti-unting nawawala ang mahiwagang halimuyak na taglay ni Dama. Ano nga ba ang gagawin niya: piliting buhayin ang nalalantang pagsasama nilang mag-asawa o lumayo para siya ay lumago?
Kaabang-abang ang pag-awit ni Frencheska sa isang orihinal na komposisyon ni Ann Margaret Figueroa na pinamagatang “Ang Tanging Sinta” para lamang sa episode na ito ng Alamat.
Si Rafa naman, first time sumabak sa animation at ayon sa kanya, isang magandang karanasan ito para lalo siyang mahasa bilang artista.
Kumanta rin ang Kapuso actor ng ilang mga awitin sa episode na ito.
Ang “Alamat ng Dama de Noche” ay mula sa panulat ni Agay Llanera.
Abangan ang isa na namang natatanging kuwento sa Alamat ngayong Linggo (June 5), 5:15 p.m. sa GMA-7.
Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.
And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!
BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.