HOY totoo na iyang problema ng droga. Marami pa ring mga artista ang alam naming bumabanat niyang droga. May isa pa ngang matinee idol na napakalinis ng image, pero gumagamit daw ng mga party drugs at nag-aalok pa noon sa kanyang mga kaibigan.
Sinasabi nila, hindi naman daw nakaka-addict iyong party drugs. Pero masama ang epekto niyan. Mabuti kung ang magiging epekto sa inyo niyan ay lagi na lang “I can buy you. I can buy all of your friends”. Pero paano kung bigla ka na lang atakihin sa puso at magkaroon ng multiple organ failure kagaya niyong nangyari roon sa lima sa concert sa Pasay? Paano kung madale ka rin kagaya ng apat na iba pang isinugod sa ospital pagkatapos ng concert sa Pasay dahil tumira rin ng droga?
Ang payo lang namin sa mga artistang tumitira niyan, lalo na iyang ecstasy, green amore at iyang peach rock, tumigil na kayo.
HATAWAN – Ed de Leon