Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marlo, ayaw nang pag-usapan si Janella

AYAW na raw pag-usapan ni Marlo Mortel ang tungkol sa pagpayag ni Janella Salvador na buwagin ang loveteam nila. Si Elmo Magalona na kasi ang kapareha ng aktres samantalang solo flight naman si Marlo at wala pang ka loveteam.

Ani Marlo, “’Wag na lang po natin pag-usapan ang tungkol diyan, kasi baka isipin ng iba na ginagamit ko sina Janella at Elmo para mapag-usapan.

“Happy naman ako kay Janella at nakapag-usap naman kami tungkol sa mga pangyayari.

“Alam naman namin at nakahanda kami kung ipareha sa iba.

“Ako naman kasi trabaho lang as long as may trabaho ako, masaya na ako.

“And happy din ako for Janella kasi may bago siyang soap.

“At ako naman may ‘Umagang Kay Ganda’ at kasali rin ako sa ‘We Love OPM Celebrity Edition’.

“And hindi naman ako nawawalan ng TV guestings at mall shows.

“Who knows ‘di ba ‘pag tagal-tagal maisipan ng pamunuan ng ABS CBN na pagsamahin kami ulit sa ibang proyekto,” mahabang  pahayag ni Marlo.

Samantala, okey naman ang negosyong itinayo niya kaya masaya ito. “Bukod nga po sa showbiz maganda rin ang takbo ng negosyo ko ‘yung Ornstal.

“Kaya nga katulad ng sabi ko rati, plan ko rin na magkaroon ako ng stall sa iba’t ibang malls dahil sa ngayon online pa lang ito.

“Hopefully ‘pag nagpatuloy ‘yung paglakas ng negosyo ko baka end of this year magkaroon na.”

Sa ngayon, si Marlo pa lang ang image model ng Ornstal na katatapos pa lang ng pictorial pero plano din nitong kumuha pa ng ibang ambassador  para mas marami ang mag-endorse.

MATABIL – John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …