Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza Soberano, gustong maging leading lady ni Piolo Pascual

00 Alam mo na NonieITINANGGI ni Piolo Pascual na si Liza Soberano ang napapabalitang crush niya ngayon na mas bata sa kanya. Ayon kay Piolo, “Hindi naman crush. Si Liza, I just like her face, ang ganda kasi.”

At the same time, inamin naman niyang gustong makatrabaho si Liza. Sinabi pa ni Piolo na hindi raw niya tinanggap ang isang TV series sa Kapamilya Network na dapat ay magiging anak niya si Julia Barretto dahil gusto niyang maka-partner ang isa sa bituin ng Dolce Amore.

“Gusto ko nga maka-partner pa si Liza, ibibigay nyo pa sa akin si Julia,” natatawang saad ng actor na bida sa pelikulang Love Me Tomorrow.

Ang pahayag na ito ay naganap nang mag-guest si Papa P. sa show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice recently.

Anyway, kung sakaling matuloy na magkaroon ng project sina Piolo at Liza, magandang kombinasyon ito kapag nagkataon. Basta bagay lang sa kanila ang istorya at hindi magiging pilit.

Tungkol pa rin kay Liza, nabalitaan namin thru Ogie Diaz’ Instagram na ang kanyang magandang alaga ay malapit nang magka-album.

Saad ni Ogie sa kanyang Instagram account: @lizasoberano music album in the works! Meeting with the Star Music staff Rox Santos, Jonathan Manalo and managing director @roxy.liquigan.

Abangan! #SingerNaSiLiza#MaiinlabKaSaMgaSongs

Sure ako na maraming Liza fanatics ang na-excite sa balitang ginagawa na ang kauna-unahang album ng kanilang idolo.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …