Monday , November 18 2024
blind mystery man

Faded glory na!

Almost some two decades ago, this handsome balladeer was definitely the toast of Tinsel Town.

And why not? He was definitely a lookers and very masculine, too!

Sa true, marami ang sa kanya’y nagwa-water-water at pantasya siyang tunay ng mga bading at kababaihan.

Muy simpaticong tunay ang kanyang dating.

Sa pelikulang ginawa nila ng isang sikat na leading lady na enduring talaga ang popularidad, siya ang kinuhang leading man at nawindang talaga ang mga bekinese dahil napaka-sexy ng kanyang katawan at bagama’t hindi kalakihan ang kanyang kargada ay bawi na sa kanyang gandang lalaki at ganda ng tindig. Hahahahahahahahaha!

Sabagay, hindi naman fair na husgahan agad-agad ang size ng kanyang notes dahil at rest naman nang kinuhaan ang eksena at hindi naman siya tulad sa ibang aktor na mahilig maglagay ng padding.

Mahilig daw maglagay ng pads, o! Hahahahahahahahahahaha!

Anyway, the movie was a big, big hit, the actor/singer became a veritable hot property after that.

Anyway, he disappeared from the local showbiz scene after that primarily because of his political affiliation and belief.

Ang sabi pa, naging kept man daw siya ng mayamang matrona na ang asawa’y isang kontrobersyal na politician.

Now, after many years of absence at the local showbiz scene, he is back but not with a vengeance.

For one, his debonaire good looks is now faded and jaded and his pot belly has proved to be a big minus factor.

Turned off din ang mga badiche sa kanyang thinning hair na nagbibigay lalo sa kanya ng mature look.

Que barbaridad! Hahahahahahahahahahahaha!

Kaya kung dati ay with lust in their eyes ang look ng mga bading, now it’s palpably obvious they are trying to avoid him like the plague.

Avoid him like the plague raw, o! Hahahahahahahaha!

How so very sad!

Tunay ka, good looks, if not meticulously taken care of, will eventually fade.

Perfect example ang ating bida na dati’y pinapantasya’t sinasamba pero ngayo’y palagi nang dini-deadma.

What a pity indeed!

GABBY EIGENMANN, MAGPAPAKA “ANDER DA SAYA” KAY SUNSHINE DIZON

Ngayong Linggo (Mayo 29), isa na namang nakatutuwa at kakaibang kuwento ang masasaksihan sa comedy anthology ng Kapuso Network, ang Dear Uge, na pagbibidahan nina Gabby Eigenmann at Sunshine Dizon.

Masayang inihayag ng Kapuso aktres ang kanyang excitement na makatrabaho muli si Gabby sa episode na pinamagatang “My Husband’s Ander.”

“So excited and happy as I work with one of my super favourite onscreen partners @gabbyeigenmann who plays as my husband Bartolome and I as Julieta. Funny, heart-warming episode,” ani Sunshine sa kanyang Instagram post.

Hindi naman talaga plano pero dahil sa pagmamahal niya sa asawang si Julie (Sunshine), sinusunod ni Bert (Gabby) ang lahat nang sabihin niya. Kaya, alam niyang isa siyang ‘under.’ Pero matatanggap pa kaya niya ito kung darating ang ex ng kanyang misis?

Ano ang magagawa ng pagseselos niya para maipakita niya ang karapatan sa asawa?

Sa ilalim ng direksyon ni Soxy Topacio, mapapanood ang Dear Uge ngayong Linggo ng hapon pagkatapos ng Sunday Pinasaya sa GMA.

NAESKANDALO SA SOBRANG KALANDIAN!

Hahahahahahahaha! Na-shock ang talanding lalaking ito sa mga kalandiang ginawa niya sa internet.

Naturingan kasing macho-looking and acting pero na-carried away at nag-all the way (nag-all the way raw, o! Hahahahahahahaha!) sa kanyang kalandian.

Ngayon, panay naman ang issue ng denials na hindi raw siya ang lalaking nagpakita ng wetpaks sa internet at pinai-el ang ka-chat na ombre. Hahahahahahahahahaha!

Mantakin mo ba namang biniseklat pa ang wetpaks niya para lang mati-tillate ang ka-chat niyang ombre? Hahahahahahahahahaha!

Loko, ‘di siya ngayon ang naeskandalo sa negative comments na kanyang natatanggap. Hahahahahahahahahahaha!

And to think that he’s not that ladlad naman. Hahahahahahahahaha!

Kung bakit kasi nag-post pa sa internet, di nakuha niya ang hanap niya. Hahahahahahahahahaha!

‘Yan kasing kalandian ay dapat hino-holdback para hindi naeeskandalo. Hahahahahahahaha!

Naturingan lalaki, biglang bubulatlatin ang wetpaks at parang feel na feel magpa-oros.

Feel na feel magpa-oros raw, o! Hahahahahahahahahahahahaha!

‘Yun nah! Hakhakhakhakhakhakhakhakhak!

MAY BREEDING AT POISED!

Nitong huling election, nakita kung sino ang may breeding at may pinag-aralan.

Grabe talaga ang word war sa pagitan ng followers nina Leni Robredo at Bongbong Marcos.

Ang napuna ko lang, masyadong emotional ang kampo ni Bongbong to the point that they are already hurling invectives.

Sa labanang ‘yun, lumutang ang likas na good breeding nitong si Eulen Marcos na oo nga’t isang Marcos loyalist (obvious ba? Marcos ang kanyang apelyido at distant cousin ni Bongbong) pero behaved at hindi marunong mag-hurl ng invectives sa mga kalaban.

Dahil alam niyang may laban naman talaga si Bongbong, sinabihan niya ang kanilang mga kapanalig na relax lang at mapayapang hintayin ang final verdict kung si Bongbong ba talaga o si Madam Leni ang mananalo.

Mapupuri namin ang ganda ng breeding ni Eulen dahil hindi siya nagpakawala ng mga mapaglait na salita laban kay Leni kahit na nga may mga allusion daw ng pandaraya.

Kumbaga, he has remained levelhead and cool hanggang sa i-announce ngang si Robredo ang winner.

Diyan naman natin mapupuri ang gentle mannered na binata. He is not war freak and he knows how to listen to reason.

Kung nakauwi nga pala siya ay baka naayos na niya ang release ng kanyang Eulenz In Love album na nakatakdang i-audition sa mga iba’t ibang outlets sa musicvile.

Good luck Eulen, here’s hoping that your album would turn gold immediately since I know that you intend to give 90% of your earnings to the poor and the needy.

REEL TIME NG GMA NEWS TV KINILALA BILANG BEST PROGRAM  SA WORLD TV AWARDS

Nagwagi ang programa ng GMA News TV na Reel Time bilang Best Program on Promoting Children Rights sa ilalim ng Humanity category sa ginanap na Asia-Pacific Institute for Broadcasting Development (AIBD)’s World Television Awards kamakailan, na tinalo ang mga kalahok mula sa  iba’t ibang bahagi ng Asia-Pacific, Europe, Africa, at North and South America.

Sa ginanap na awarding ceremony noong May 25 sa Incheon, South Korea, kinilala ang Reel Time para sa episode nitong “Isang Paa sa Hukay (The Price of Gold).”

Ang documentary ay tungkol sa small-scale mining sa Camarines Norte na ang mga bata ay walang takot na sumisisid sa burak at malalim na hukay gamit ang isang air compressor para makahinga at makahanap ng maliliit na piraso ng ginto.

Ang Reel Time Executive Producer na si Jayson Bernard Santos ang sumulat at direktor ng nasabing episode.

Noong Abril, ginawaran din ng bronze award ang nasabing episode sa prestihiyosong New York Festivals sa ilalim ng “Human Concerns category.”

Ito ang pangalawang beses na nag-uwi ng karangalan ang GMA mula sa AIBD. Noong nakaraang taon, nagwagi ang Kapuso Network ng  Best Documentary citation sa ilalim ng “Humanity Category Dealing with Natural Disaster” para sa  “Pagbangon.”

Ito ay isang dokumentaryong naglalahad ng mga recovery at rehabilitation effort para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.

Ang World TV Awards ng AIBD ay sinimulan nong 2004 upang kilalanin ang papel ng media sa pagtataguyod ng kamalayan tungkol sa mahahalagang isyu tulad ng cultural diversity, religious understanding, tolerance, natural disasters, at children’s rights.

Ito ay bukas sa mga broadcaster mula sa pampubliko at pribadong sektor at freelance producers.

HAPPY PARA KAY MUDRA

Happy ang lead actress ng soap na Once Again na si Janine Gutierrez dahil napatunayan niyang hindi isang oportunista ang boyfriend ng ina niyang si Lotlot.

Mabait pala ang tao at flexible so to speak. Kumbaga, sanay siyang sakyan ang kanilang mga gusto at very paternal din sa kanilang magkakapatid.

Nabunutan ng tinik si Janine at ang pag-aalala’y napalitan ng smug happiness.

It’s high time that her mom finds happiness in her new mate. Mabait naman kasi si Lotlot at kahit na nagkahiwalay sila at ang mister niyang si Ramon Christoper ay smooth sailing ang kanilang relasyon.

Dapat lang!

BACK TO BACK – Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *