Thursday , December 26 2024

Teniente Gimo, horror na may romance-comedy

00 SHOWBIZ ms mKUNG gusto ninyong makapanood ng tunay na katatakutan o kung mahilig kayo sa horror, itong bagong pelikulang handog ng Viva Films ang nararapat ninyong panoorin, ang Teniente Gimo na mapapanood na sa Hunyo 1 na pinagbibidahan ni John Regala.

Tiyak na magugulat ang sinumang manonood ng Teniente Gimo dahil ginamitan ito ng cinematic technique (tulad ng quick frantic cuts ng  director nitong si Roland M. Sanchez. Itong pamamaraang ito angnagbibigay suspense sa mga manonood.

At dahil usong-uso ngayon ang mga “hugot lines”, ito ang nagdala sa aspetong romance-comedy ng pelikula. Mabilis ang pagkakalatag ng mga eksena at makatotohanan ang mga dialogue na karaniwang naririnig sa araw-araw na pag-uusap.

Ang istorya ay nangyari noong dekada 50 sa Iloilo, na isang kapitan ng barangay sa bayan ng Dueñas ang pinaniniwalaang isang aswang. Siya ay kilala bilangTeniente Gimo, at sa kanya ibinibintang ang mga karumal-dumal na pagpatay, na ang mga biktima ay tinanggalan ng puso at bato.

May asawa si Gimo si Melba at mayroon silang anak, si Ella.

Ayon sa urban legend, inutos ni Gimo na patayin ang isang dalaga para gawing handa sa isang pista, ngunit nagkamali ang kanyang mga tauhan dahil ang anak niyang si Ella ang napatay.

Tunay na nakakikilabot ang horror movie na ito, na may halong romance at comedy gawa ng KIB Production at RMS Productions.

Ipakikita rin sa pelikula kung paano naapektuhan ni Gimo ang pag-iibigan ng kanyang anak na si Ella at ng isang disenteng binata na si Victor. Dahil sa kanyang reputasyon, maraming galit kay Gimo at nangunguna na rito si Gado na mismong kapamilya niya at naging biktima rin ng aswang.

Ang dating nakarelasyon ni Gimo na si Ursula ay nakipagkasundo kay Victor para kalabanin angmga aswang, tik-tik at wak-wak.

Kasama nila ang  kaibigan niVictor na si Bentong at si Lolo Ambo na matagal nang kumakalaban sa mga ganitong klaseng nilalang.

Ang kuwento ay isinalaysay ng  isang matandang babae na nagsasabing nasaksikan niya mismo ang mga pangyayaring inilahad sa pelikula. Kung sino ang babaeng ito ay isang sorpresa para sa mga manonood.

Kasama rin sa Teniente Gimo sina Julio Diaz, Mon Confiado, Suzette Ranillo, Eliza Pineda, Joshua  Dionisio at  Kate Brios.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *