Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chris Tiu, excited na sa paglabas ng kanilang baby

00 SHOWBIZ ms mMASAYANG ibinalita ni Paul Lee, team mate ni Chris Tiu sa Rain or Shine na anytime ay manganganak na ang asawa nito.

Super excited nga raw ang magaling na basketbolista at host ng ilang programa sa GMA7 at TV5 at isang magaling na negosyante sa paglabas ng kanilang anak ni Clarisse Ong.

Hindi lang si Chris ang excited pati si Lee ay ganoon din kaya naman nakiusap ito sa mga social media fans and supporters nila na ipag-pray ang safe delivery ni Ong-Tiu.

Samantala, very humble namang inamin ni Lee na halos nawalan siya ng lakas ng loob kung makababalik pa siya sa paglalaro ng basketball after niyang ma-injured early this season.

Si Lee ang nanalong MVP of the Finals sa katatapos na championship series ng team niyang Rain or Shine (Elasto Painters) laban sa Alaska, kahit umaming nagduda siya sa sariling galing lalo pa’t malupit ang mga salita sa kanya ng netizens.

Aniya,  ”minsan ‘pag matutulog na ako parang (nag-iisip ako) ‘anong nangyari sayo?’ Siyempre may nababasa ka, ‘yung sinasabi sa ‘yo, ‘ano nangyari sa ‘yo wala na ‘yung dating laro mo.’

Aminado ang magaling na player na nasasaktan siya at mga kapamilya niya, pero wala naman daw siyang magagawa kundi tulungan ang sarili.

“Talagang sinikap kong ibalik ‘yung tiwala sa sarili. Mabuti na lang ‘yung teammates ko at si si coach Yeng (Guiao), laging nakaalalay kaya malaking pasasalamat ko sa kanila,” giit pa ni Lee.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …