Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ria Atayde, natupad ang dream na maitampok sa Maalaala Mo Kaya

00 Alam mo na NonieDREAM come true para kay Ria Ataydeang maging tampok sa Maalaala Mo Kaya ni Ms. Charo Santos Concio. Iba kasi kapag naging bahagi ka ng seryeng ito ng Kapamilya Network.

“Opo, definitely a dream come true and I’ll remain forever grateful for this opportunity in my career. I’m overwhelmed and nervous, hahaha!” saad ni Ria

Nabanggit din ng magandang anak ni Ms. Sylvia Sanchez na challenge para sa kanya ang paglabas sa MMK. “Challenge po siya in the sense na, medyo nakaka-pressure po talaga na mag-MMK. Iba po pala talaga mag-MMK. Grabe Lang iyong pakiramdam,” wika pa niya nang makapanayam namin siya thru Facebook.

Makakasama ni Ria sa episode ng MMK na mapapanood na this Saturday (May 28) sina Matt Evans at Joseph Marco. “Gagampanan ko po rito si Fe, ang babaeng mamahalin ng magkapatid na sina Samson (Matt) at Jeremiah (Joseph).

“Kasama rin po namin dito sina Tita Daria Ramirez, Tita Maureen Mauricio, Tita Tanya Gomez, Tito Alan Paule, at Ate Denise Joaquin.”

First time ni Ria na mag-guest sa MMK at masaya raw siya na karamihan sa nakatrabaho niya rito’y mga dati na niyang nakasama o kakilala.

“Masaya po ako lalo na po kasi, halos lahat ng kasama ko sa cast, kakilala ko na po. Pati iyong AD po namin, si Ate Maki de Vera, nakasama ko po nang nag-OJT ako sa Star Cinema noong college.”

Nagpasalamat din si Ria sa kanilang direktor dito sa suportang ibinigay sa kanya. “Ang director po namin ay ang napakabait at supportive na si Direk Elfren Vibar na sobrang thankful ako sa pag-alalay sa akin.”

Sinabi rin ni Ria na ang paglabas niya sa Maalaala Mo Kaya ay katuparan ng isa sa kanyang mga pangarap sa showbiz.

“Happy po ako dahil sa maliban sa natupad yung isa sa mga pangarap ko sa career ko po, sobrang sarap katrabaho ng lahat. Si Direk Elfren po, alagang alaga ako.

Tapos isa po sa bestfriends ko si Joseph and close din po ako Kay Matt, so nakakatuwa kasi komportable ako sa mga nakatrabaho ko,” pagtatapos ng mabait na aktres.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …