Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark, umalis na sa poder ng manager

A manager like no other.

Kapag binanggit mo ang Artista Salon, ang maiisip mo na ay ang nagpalaganap nito na si Gio Anthony Medina na nakilala rin bilang manager ng namayagpag sa Baker King na produkto ng Artista Academy na si Mark Neumann sa TV5.

Nilinaw naman sa amin ni Gio na walang anumang away sa kanila ng alaga dahil nagpaalam naman ito sa kanya nang nagdesisyong mag-sarili muna.

Hindi naman inaalis ni Gio na kasama ang bugso ng galit sa simula dahil nga may mga plano at desisyon sila para sa karera ng binata na medyo nadiskaril pero matapos naman daw ang ilang pagkakataon eh, na-plantsa nila ang lahat.

Kaya ang mga transaksiyon pagdating sa trabaho ng binata eh, sa kanya pa rin naman dumaraan at isinasangguni.

May pagkakataon nga raw na hindi maiaalis na ma-miss niya ang binatang sa kanya na nanahan. Pero maski na sinubok ang pagiging pamilya nila, alam ni Gio na hindi na mawawala ang patuloy na pag-gabay niya rito.

Kaya sana rin naman daw eh, huwag nang dagdagan pa ng mga walang kuwentang kuwento ang kagyat nilang paghihiwalay.

Ng bahay!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …