Tuesday , January 27 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mark, nag-alsa balutan sa manager para kay Pastillas Girl

SAPILITANG pinaupo ng kaibigang Cristy Fermin si Gio Medina para isalang sa kanyang Cristy Ferminute noong Lunes ng hapon.

Si Gio ang tiyuhin cum manager ni Mark Neumann, homegrown artist ng TV5. Mag-iisang buwan na ring “nagsanga” ang landas nina Gio at Mark, the reason for which ay ayaw talagang isiwalat ni Gio.

“Ang sa akin lang, ang pamilya ay pamilya. Bali-baligtarin man natin ang mundo, hindi maaaring burahin ang katotohanan na bilang pamilya, eh, mahal ko si Mark at hangad ko ang kanyang tgumpay.”

Wala na kasi si Mark sa poder ni Gio, kundi nasa pangangalaga na ng lola nito. Pero ang mas maugong na tsismis, lukong-luko si Mark kay Pastillas Girl.

Gayunman, ani Gio, “Kung may mananakit kay Mark, eh, ako ang gaganti para sa kanya.”

Inamin ni Gio na hindi niya maiwasang hindi ma-miss ang itinuring na niyang anak na kanyang iniluwal. “Ang pinakanami-miss ko, eh, ‘yung pagkain namin ng sabay. Ang paborito naming pareho, eh, ‘yung tustadong tuyo at sinangag. At pag ‘yan na ang nasa mesa, hala, nagkakamay kami!”

May dugo mang banyaga (Aleman) si Mark, pero ani Gio, pinalaki niyang Pinoy na Pinoy ang guwapong aktor, maging ang pag-uugali nito.

Sa kabila ng kanilang pansamantalang falling out, umaasa si Gio na minsan ay kakatok na lang muli si Mark sa pintuan ng kanyang tahanang laging bukas sa pagbabalik ng isang “prodigal son.”

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …