Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erika Mae at Josh Yape, dream maging matagumpay na singers

00 Alam mo na NonieSINA Erika Mae Salas at Josh Yape ang dalawa sa tampok sa show sa Music Box titled Voices of Love. Gaganapin ito sa May 29 (Sunday) at kasama rin dito sina Alyssa Angeles at Sarah Ortega. Front act sina Janna Manuela Enriquez, Adrian Desabille, Stepahnie Bangcot, Aizert Ann Bolivar, at Katherine Grace Galleto.

Special guest ang singer/actor na si Michael Pangilinan, ang award-winning aktres na si Ana Capri, ang Singapore based singer na si Tori Garcia, at ang versatile na singer/comedian na si Mojack Perez. Ito’y mula sa direksiyon ni Throy Catan.

Sina Erika Mae at Josh ay kapwa nangangarap na maging successful na singers.

Kapwa bagest pa lang ang dalawa, 14 yeard old si Erika Mae, samantalang kinse anyos naman si Josh.

Ayon kay Erika Mae, masaya siya kapag nagpe-perform. “Masaya po at excited, basta po ine-enjoy ko na lang po yung performance.”

May plano ka rin bang mag-artista? “Puwede po ‘pag may chance po, kung ano pong opportunities yung dumating sa akin.

This year ay maglalabas siya ng album, ano’ng klaseng songs ang gusto mong mapasama sa album mo? “Iyong mga Rock po, Pop-Rock po, Pop, tapos iyong mga song na nakaka-relate sa mga kabataan po.”

Ayon naman kay Josh, masaya siya kapag nagpe-perform. “Masaya po ako lalo na kapag madami po akong nakikitang crowd. ‘Tapos lalo na po ‘pag nagugustuhan nila yung kanta at performance ko, masarap po sa pakiramdam.”

Nagvo-voice lesson si Josh, ngunit kapag nao-ospital ang mother niya’y huminto muna siya. Mas pririority siyempre ng kanilang pamilya ang pagpapagamot sa Mommy niyang may leukemia. “Nagvo-voice lessons po ako, pero kapag minsan po nagpapagamot po si Mama, kailangan ko munang ihinto kasi kailangan po sa pagpagamot ni Mama. Kaya minsan po self-study na lang po, titingin na lang po ako sa Youtube kung paano ide-deliver yung bawat kanta.

“Inspirasyon ko po sa pagsisikap ko ang mommy ko, gusto ko pong suklian ang lahat ng paghihirap niya.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …