Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Balde-baldeng pagtitiyaga ni Ria, nagbubunga na

LIKE mother, like daughter! Sino bang ina ang hindi maghahangad ng the best para sa kanyang anak? Lalo pa kung babae ito na talaga namang sa mula’t sapul eh, talagang tututukan mo.

Naging bahagi ng pangarap ni Sylvia Sanchez na makatapos ng pag-aaral ang mga supling nila ni Art Atayde. At para nga sa dalaga nilang si Ria, nagkaroon pa ng panahon na ginusto nitong sa ibang bansa na lang magtapos.

Pero gaya ng kanyang ina, hindi naging madaling iwasan ang mundo ng showbiz. Nauna lang ng ilang hakbang ang kapatid niyang si Arjo, nasubukan ang kakayahan ni Ria nang gampanan niya ang papel ng isang guro, si Titser Hope sa Ningning na agad tumatak sa isipan ng mga manonood.

At ngayon, si Ria naman ang binigyan ng pagkakataon na masalang sa  MMK (Maalaala Mo Kaya) sa episode na makakasama niya sa isang love triangle sina Joseph Marco at Matt Evans.

Sige lang si Ria sa pagbuti sa kanyang pag-arte. Nakatawid na si Arjo na umaani na ng tagumpay sa kanyang niyakap na larangan ang it’s Ria’s time to shine.

Just like her Mom, balde-baldeng pagtitiyaga ang bitbit ni Ria for the industry to recognize her that yes, with this MMK episode, there’s more to what the eyes can see in another sterling performance sa longest drama anthology in Asia na nagse-celebrate ng ika-25 taon nito sa telebisyon!

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …