Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pelikula nina Michael at EA, suportado ng LGBT

NAKATITIYAK na ng suporta mula sa Ladlad LGBT community sa pangunguna ni Ms. Bems Benedito ang gay-themed movie na Pare, Mahal Mo Raw Ako, na sa wakas ay magtutuldok na sa pananabik ng mga gay couple sa ating paligid.

Partikular na hinangaan ni Bems ang mahusay na mang-aawit na si Michael Pangilinan—na siya ring kumanta ng piyesang ipinanlaban niya sa Himig Handog P-Pop Love Songs noong 2014—sa paggalang at pagpapahalaga nito sa pantay na karapatan ng mga miyembro ng LGBT kahit isa siyang tunay na lalaki.

In the Joven Tan-helmed film, may lihim na pagtingin ang best friend ni Michael (Red) na si Edgar Allan Guzman (Mark) sa kanya.  Kung paano ito ipinagtapat ni Mark at the expense of their brotherly friendship at ang sumunod na konsikwensiya ng rebelasyong ‘yon ang hindi dapat palampasin sa pelikula.

Showing on June 8, kabilang sa cast ay sina Ana Capri, Matt Evans, Joross Gamboa, Nikko Seagal Natividad, Miggy Campbell, at Ms. Nora Aunor na gumaganap bilang ina ni EA.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …