Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lito Camo, ‘di maipinta ang mukha sa pagkatalo

ISANG gabi ‘yon ng pansamantalang pagtakas sa kalungkutan bunga ng sinapit ng kaibigang Richard Pinlac. With her assistants Japs Gersin and Tina Roa, napadpad kami ng kaibigang Cristy Fermin sa Cowboy Grill sa Quezon Avenue noong isang linggo.

A sucker for live bands, nagyaya si Cristy mula sa Capitol Medical Center na dinalaw namin ang unconscious pa ring si Richard sa ICU ng nasabing pagamutan.

While seated at nakikinig sa nakapuwestong Jay Brothers, maya-maya’y lumalapit sa aming mesa si Lito Camo na parang nakapambahay lang. Medyo hindi maipinta ang kanyang mukha, hindi pala siya pinalad sa tinakbuhang puwesto bilang mayor ng Bongabong, Oriental Mindoro nitong nagdaang eleksiyon.

Hindi raw maubos-maisip ng sikat na kompositor-mang-aawit kung bakit siya natalo given the fact na suportado pa mandin siya ng kaanak ng kanyang nakatunggali.

“At saka ‘Nay Cristy,” dagdag kuwento pa niya, “ang dami-daming tao roon sa miting de avance ko.”

Isa raw sa mga nagpagaan ng kanyang kalooban ay ang matalik na kaibigang si Manny Pacquiao. “Sabi nga niya sa akin, kung siya nga raw, eh, nakaranas din ng pagkatalo. Dapat lang, eh, marunong kang bumangon.”

Hindi alien si Lito sa larangan ng politika. Bago tumakbong mayor, nagsilbi muna siyang board member ng kanyang lalawigan.

Lalo pang pinagaan ni Cristy ang kalooban ni Lito nang gawin nitong halimbawa si Richard Gomez na makailang beses nang nakipagsapalaran, pero ngayon lang nasungkit ang pagka-mayor sa Ormoc City, ang lugar ng misis na si Congresswoman Lucy Torres-Gomez.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …