Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael Pangilinan, lapitin ng bading! (More or less, naka-encounter na ng isang dosenang indecent proposal)

00 Alam mo na NonieLAPITIN pala ng bading ang magaling na singer/actor na si Michael Pangilinan. Nakapanayam namin siya recently sa Dong Juan Restaurant ni Ahwel Paz sa presscon ng Pare, Mahal Mo Raw Ako na showing na sa June 8. Gumanap si Michael dito bilang best friend ni Edgar Allan Guzman na lingid sa kanya’y isa palang gay.

Ayon kay Michael, hindi mahirap sa kanila ni EA ang maglambingan sa pelikula. “Kasi very close na kami niyan sa Your Face… pa lang, para na talaga kaming magkapatid. At saka pareho kasi kaming lalaki, na kumbaga, wala na sa amin iyon kahit mag-holding hands kami.”

Sinabi rin ni Michael na puwede siyang pumayag kahalikan ang kapwa lalaki, pero  hanggang smack lang daw.

“Ako smack okay lang sa akin. Pero kung iyong torrid na halikan sa kapwa ko lalaki, yung mas grabe pa sa smack…” umiiling na saad niya bilang pahiwatig na ayaw niya itong gawin.

Dagdag pa niya, “Hindi ko pa kasi kaya e, na baka mamaya makipaghalikan ako sa kapwa ko lalaki, pero mali pala ginawa ko. Baka magmukha pa akong abnormal.”

Saad pa ni Michael, hindi pa siya nakakaranas maligawan ng gay, pero more or less daw ay isang dosenang indecent proposal na mula sa bading ang kanyang na-encounter.

“Hindi pa ako naligawan, pero may mga indecent proposal kahit dati pa. Pero never pa talagang may nanligaw sa akin, dahil unang-una, hindi ko siya papayagang manligaw.

“Sabi ko nga, kung ngayon nyo ako tatanungin, hindi talaga. Pero, gaya rin ng sabi ko, hindi ako nagsasalita ng tapos. Kung may gay na mag-click kami, hindi ko pipigilan ang sarili ko, tao lang ako, e,” paliwanag pa ni Michael.

Gaano na karaming indecent proposal ang natanggap mo sa mga gay, may isang dosena na ba? “Hindi ko na po mabilang, pero siguro more or less… yes, mga isang dosena na.”

Sinabi rin ni Michael kung gaano kahalaga ang bading sa kanyang career. “Sa career ko, parang mas napi-feel ko na grabeng mag-alaga ang isang gay dahil mayroon silang nanay-side, e. So, talagang alam nila kung ano ang makakabuti sa iyo, dahil iyon yung thinking nila e. Ganoon sila mag-isip, na parang nanay.

“Pero at the same time, ipagtatanggol ka nila dahil mayroon din silang pagkalalaki na lumalabas kapag alam nilang may hindi magandang nangyayari sa anak nila.”

Ang Pare, Mahal Mo Raw Ako ay mula sa pamamahala ni Direk Joven Tan. Kasama sa casts sina Joross Gamboa, Matt Evans, Trina Legaspi, Ana Capri, at may special participation dito ang Superstar na si Nora Aunor. Ito’y release ng Viva Films at kabilang sa producers nito sina Direk Joven, Jobert Sucaldito, Fred Sibug, Carlos Sario, Jr. at Capt. Ernie Moya.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …