Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Michael pangilinan, ambassador ng LGBT community

00 SHOWBIZ ms mTUWANG-TUWA ang mga kausap kong taga-Viva Films habang naririnig nila ang interbyu kay Michael Pangilinan sa presscon ng pelikula nitong Pare Mahal Mo Raw Ako kasama si Edgar Allan Guzman at idinirehe ni Joven Tan.

Paano’y lalaking-lalaki raw ang dating nito kaya naman nais sana nilang i-cast muli si Michael sa isang pelikula nilang gagawin. Subalit ayon kay Jobert Sucaldito, manager ni Michael, mas gusto niyang maging singer na lamang si Michael kaysa mag-artista.

Anyway, bago ang lahat, panoorin muna natin si Michael sa Pare Mahal Mo Raw Ako na mapapanood na sa June 8.

“Thank God, maipalalabas na ang napakasaya naming pelikula. Minsan na nga lang ako makakaarte akala ko mauunsiyami pa,” bungad ni Michael sa amin.

Aminado si Michael na noong una’y hesitant siyang umarte dahil singer naman kasi siya talaga. “Pero noong ikuwento sa akin ni Direk Joven at manager ko yung istorya, pumayag na ako.”

Ani Michael, malaki ang pasasalamat niya kay EA (tawag kay Edgar Allan) dahil dito siya nanghihingi ng tips kung paano gagawin ang ilang eksena. “Ang galling ni EA, grabe! And in firness sa movie, maganda ang kinalabasan. Walang tapon ang mga eksena,” giit ni Michael.

Sinabi naman ni Edgar Allan na nag-enjoy din siyang kasama si Michael. “I enjoyed working with Michael. Nakai-inlove ang role ko, isang gay best-friend nan a-inlove sa character ni Michael sa movie. Marami tiyak ang makare-relate.

“Sana suportahan nila ang launching movie na ito ni Michael, he’s a revelation,” sambit pa ni EA.

Samantala, pinuri naman ng LGBT si Michael dahil sa respetong ibinibigay nito sa LGBT community. “Michael is truly an ambassador of the LGBT community becayse he supports the fight for equal rights through his song and this movie. Hindi siya takot manindigan kahit straight pa siya at mahal na mahal niya ang LGBT,” sambit ni Ms. Berms Benedito, Chairperson, Ang Ladlad LGBT Party.

Ang Pare Mahal Mo Raw Ako  ay release ng Viva Films na mapapanood na sa June 8 kasama sina Joross Gamboa, Matt Evans, Anna Capri, Katrina Legaspi, Nikko Segal, at Miggy Campbell.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …