Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jaclyn Jose, nagbigay ng malaking karangalan sa bansa!

00 Alam mo na NonieMALAKING boost sa local showbiz world ang natamong Best Actress award ni Jaclyn Jose sa katatapos na 69th Cannes Film Festival sa France. Si Jaclyn ang kauna-unahang Filipino na nanalo ng acting award sa kasaysayan ng Cannes.

Nanalo si Jaclyn para sa kanyang mahusay na pagganap sa pelikulang Ma’ Rosa ni Direk Brillante Mendoza. Hopefully, maging simula ito ng mas magaganda pang balita sa mundo ng showbiz.

Sa video clips nang tanggapin niya ang award, makikitang isinama ni Jaclyn sina Andi Eugenmann at Direk Brillante sa pag-akyat sa stage. “I dunno what to say. I was so surprised. I just went to have a red carpet walk with my daughter, my real-life daughter, and my daughter in the movie also,” saad niya.

Dito’y pinasalamatan din ng aktres ang Cannes at ang Jury na pumili sa kanya para manalong Best Actress.

Kabilang sa mga kinabog ni Jaclyn sa Cannes sina Charlize Theron (The Last Face), Marion Cotillard (From The Land of the Moon), Kristen Stewart (Personal Shopper), Isabelle Huppert (Elle), Elle Fanning (The Neon Demon), at Sonia Braga (Aquarius).

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …

Face to Face to Face with Ate Koring Korina Sanchez-Roxas

Korina Sanchez-Roxas bagong Ka-Nanay sa Face to Face with Ate Koring ng TV5 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NGAYONG Women’s Month, muling magbabalik sa TV5 ang isang programang minahal ng marami, …