Friday , November 15 2024

Giyera ni Digong vs corruption nararamdaman na!

BAGAMAT sa Hunyo 30 pa uupo sa trono ng Malacañangng ang “Mayor of the Philippines,” si president-elect Rodrigo Duterte, mukhang ang kampanya niya laban sa korupsiyon ay nakahahawa o may mga ahensiya na ng pamahalaan ang nagpakita ng suporta na sa paglilinis sa pamahalaan.

Nanguna na ang Office of the Ombudsman na nagparamdam ng siyento por siyentong pagpabor sa giyera ng incoming president. Okey iyan para tuluyan nang umasenso ang bansa.

Oo, nitong Mayo 16, ipinag-utos ng Ombudsman ang pagsibak sa serbisyo sa barangay chairman at barangay treasurer ng barangay Payatas sa Quezon City makaraang mapatunayan sa isinampang kaso laban sa kanila na grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service.

Sa pitong pahinang desisyon ng  Ombudsman nakitaan ng sapat na dahilan na sina Barangay Chairman Manuel Guarin at Barangay treasurer Susana Ugaldo ay nakagawa ng kasong grave misconduct.  Kaya tinanggal sila sa serbisyo at ipinakansela ang eligibility, retirement benefits, at diskuwalipikadong humawak ng public office at kumuha ng civil service examination.

Nag-ugat ang kaso laban sa dalawang barangay official sa reklamo na isinampa sa kanila nina Rodolfo Abordo at Sarina Cebujanore kapwa miyembro ng Lupon Tagapamayapa ng Barangay Payatas.

Inakusahan ng dalawa sina Guarin at Ugaldo ng pagbubulsa ng ilang bahagi sa P5,000 cash gift at year-end bonus na P2,000.

Sa reklamo nina Abordo at Cebujanore nakatanggap sila ng tig-P1,000 cash gift imbes P5,000 at P1,000  bilang year-end bonus imbes P2,000.

Sinabi sa ulat noong Marso 2014, ang Sangguniang Barangay ay naglaan  ng P815,000 para sa cash gift at P515,976 para sa year-end bonus.

Sa virtue ng barangay ordinance bawat barangay officer at empleyado ay makatatanggap ng P5,000 cash gift at P2,000 bilang year-end bonus.

Dahil kulang ang tinanggap ng dalawa, minabuti nilang sampahan ng kaso sina Guarin at Ugaldo sa Ombudsman.

Sa joint affidavit nina Guarin at Ugaldo, kanilang pinabulaanan ang akusasyon kasabay ng pagsasabing kompleto ang tinanggap nina Abordo at Cebujanore na cash gift at bonus.

Ilan pang ahensya nagpakita ng suporta

Nauna rito, ilang ahensiya ng pamahalaan lalo na ang Philippine National Police (PNP) ang nagpahayag ng kanilang suporta sa kampanya ni PDU30 partikular na sa pagsugpo sa kriminalidad lalo sa pagkakalat ng ipinagbabawal na gamot.

Simula nang manalo si Mayor Digong ay magkakasunod na nagsagawa ng operasyon ang iba’t ibang galamay ng PNP na nagresulta sa pagkaaresto ng mga bigtime drug pusher/dealer at nakompiskahan ng milyon-milyong shabu. Maging ang PDEA na kadudaduda ang pananamik sa pagsugpo sa droga ay biglang kumilos lalo nang mapabalitang bubuwagin na ang ahensiya dahil kinain na ng sistema ang ilang opisyal dito.

Mga mambabatas, sumuporta na rin

Nagpahayag na rin ng kanilang suporta kay Digong ang nakararaming mambabatas – pabor daw sila sa kampanya laban sa korupsiyon. At bilang patunay ng pagsuporta na maglilipatan na raw sila sa partido ni Digong. Ngek!

Ang sabihin n’yo, mga balimbing kayo at hindi kayo mga loyalista sa inyong partido. Partikular na mga magbabalimbing ay mula sa kampo ng talunang si Mar Roxas.

Mga politicians nga naman ng ‘Pinas, pulos pansarili lang ang iniisip. Buwisit!

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *