Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Trina Legaspi, thankful sa pelikulang Pare, Mahal Mo Raw Ako

00 Alam mo na NonieITINUTURING ni Trina Legaspi na malaking break sa kanya ang pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako na showing na sa June 8. Umaasa si Trina na tulad ng contemporaries niya sa Goin’ Bulilit na sina Kathryn Bernardo at Julia Montes, darating din ang time niya para maipakita ang kanyang kakayahan bilang aktres.

“Kung nandoon na sila Julia, Kathryn, sila ang mga ka-batch ko po, parang feeling ko kung narating na nila iyon, dapat ako naman yung next. Next in line man lang, po.

“Eto yung first film ko na kinda like leading lady din, kasi ako yung babae lang sa movie na ‘to. So malaking opportunity siya, kaya thankful talaga ‘ko” saad niya.

Dagdag pa Trina na kilala rin dati sa tawag na Hopia, “Ngayon na ga-graduate na po ako ng college, sana after that, mapupursige ko na po na mag-focus sa career ko, and hopefully mabigyan naman ako ng chance.

“Tapos na ako at wala nang iintindihin. Tapos na ako sa phase na iyon, kaya makakapag-focus na ako sa showbiz.”

Sa darating na May 28 ga-graduate si Trina sa Miriam College ng kursong Comunication Arts.

Nagbigay din ng kaunting background si Trina sa pelikulang Pare Mahal Mo Raw Ako ni Direk Joven Tan na tinatampukan nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzman.  “Ako si Kaye rito, kind of middle person ng dalawang character, si Red (Michael) ‘tsaka si Mark (Edgar Allan). Magkakaibigan kaming tatlo, pero kinda like may twist, parang MU kami ni Michael.

“Si Mark umamin sa akin na bading siya, so, paano ko sasabihin kay Red?”

Paano niya ide-describe sina Edgar Allan at Michael bilang katrabaho? “Sobrang saya, para lang kaming nagkukulitan, ganoon yung vibes sa set. Hindi heavy as in kuwentuhan lang, chill lang. Kahit sa mga eksena, para lang kaming nagkukuwentuhan.

“Kaya mapapansin nyo sa pelikula, parang natural na natural yung batuhan namin, kasi ganoon talaga kami sa totoong buhay. Kaya enjoy talaga ako sa set. Makulit yung dalawa, sobrang kulit, puro kalokohan!” nakatawang esplika pa niya.

ALAM NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …