Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Edgar Allan, flattered kapag may bading na nagkakagusto sa kanya

00 Alam mo na NonieIPINAHAYAG ni Edgar Allan Guzman na nag-enjoy siya sa paggawa ng pelikulang Pare, Mahal Mo Raw Ako ni Direk Joven Tan na tinatampukan nila ni Michael Pangilinan. Ito’y showing na sa June 8 at hango sa sikat na awitin ni Michael na may kaparehong titulo na naging entry sa Himig Handog PPop Lovesongs 2014 na ang composer ay si Direk Joven din.

“I enjoyed working with Michael. Nakaka-in love kasi ang role ko-isang gay best-friend na na-in love sa character ni Michael sa movie. Marami tiyak ang makaka-relate dahil it happens to the best of us. Nakakatawa, nakakaiyak, nakakakilig… lahat-lahat nang sangkap nandoon na.

”Sana suportahan nila ang launching movie na ito ni Michael-he’s a revelation dito,” saad ni Edgar Allan na as usual ay muling nagpamalas ng magaling na performance rito.

Bukod kina Michael at Edgar Allan, kabilang din sa cast ng Pare, Mahal Mo Raw Ako sina Joross Gamboa, Matt Evans, Katrina ‘Trina’ Legaspi, Ana Capri, Nikko Seagal, at may special participation dito ang Superstar na si Nora Aunor.

Sinabi rin ni EA na na-excite siyang muling makatrabaho sa pelikulang ito ang nag-iisang superstar.”Siyempre excited ako, lalo na noong nalaman ko na nanay ko pa siya ulit. Kumbaga, pang-ilang beses ko na siyang naging nanay.

“For the longest time, siguro one year, na hindi ko siya nakatrabaho, ngayon lang ulit dito sa pelikula and iyong role pa niya’y kakaiba at yung role ko kakaiba rin. Hindi yung usual na mag-ina.”

Nang inusisa siya kung nakakadagdag ba sa pagkalalaki niya kapag nalalamang may bading na nagkakagusto sa kanya, ito ang kanyang tugon: “Opo, kasi para din naman iyang mga babae, titilian ka, sasabihan kang, ‘Ay pogi! Ay guwapo! Ay ang sarap!’ Ganoon, so para sa akin, nakakadagdag sa kompiyansa sa sarili ko.

“Pero hindi ko ipinagmamalaki na nakaka-macho, nakaka-lalaki hindi ganoon. Masarap lang kumbaga, nakaka-flatter lang sa pakiramdam.”

ALAM NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …