PAHIYA si Lolit Solis nang matalo sa kanyang mismong hamon na hindi makakapanhik si Tita Gloria Romero sa venue na pinagdausan kamakailan ang press launch ng Juan Happy Love Story, ang bagong primetime series ng GMA to premiere on May 16.
“Naku, hindi senior citizen-friendly ‘tong venue, ha?!” nagtititiling sey ni Lolit, sabay suspetsang imposibleng makaakyat si Tita Glo na tiyak na hihingalin.
Ilang sandali, heto na’t buong ngiting pumapasok ang Reyna ng Philippine Movies sa La Madera Gastronomical Hub. Take note, Tita Glo was the first to arrive sa lahat ng mga cast member nito including its lead stars Heart Evangelista and Dennis Trillo.
Tulad ng inaasahan, very regal pa rin ang aura ni Tita Glo despite her 80 something age. Taglay pa rin niya ang disiplinang itinuro sa kanila ng Sampaguita Pictures tungkol sa pagiging propesyonal.
Sa mga artista ngayon, mayroon pa kayang tulad ni Tita Glo?
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III