JUST when his fans became sad dahil wala nang TV career muli si Carlos Agassi makaraang “patayin” ang kanyang karakter sa Carlo J. Caparas’Ang Panday, good news: he’s back!
Gumaganap si Carlos bilang lost-lost brother ni Flavio (Richard Gutierrez). Nagkahiwalay silang magkapatid nang iniwan ng kanilang ina (Ara Mina) ang sanggol na si Flavio sa labas ng simbahan.
While Flavio grew up bilang isang mabait at maka-Diyos na tao, kabaligtaran ang kinamulatang buhay ng kanyang kuya hanggang maging isa ito sa mga kampo ni Lizardo (Christopher de Leon).
Nang magkaharap sa kaharian ni Lizardo, nagkaroon ng duwelo sa espada ang magkapatid at ang mahiwagang sandata ni Flavio ang kumitil sa buhay ng kapatid.
Tigok si Carlos. Pero muling nagbabalik sa makabagong panahon upang pagbayarin ang ginawa sa kanya ni Flavio.
Ending: may karir na uli ang still-yummy actor! Hindi lang yummy, “endowed” pa down there!
HOT, AW! – Ronnie Carrasco III