Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pambihirang sundalo, tampok sa MMK

REBEL soldier! Ito ang kuwento tungkol sa katapangan at katatagan ng isang batang sa munting edad ay sumabak na sa armadong pakikipaglaban ng kanyang buhay. At ibabahagi niya ito sa MMK (Maalalala Mo Kaya) ngayong Sabado (Mayo 14) saKapamilya Network.

Bata pa lang ay pinangarap na ni Rasul (Izzy Canillo) na maging sundalo. Ngunit mababago ang buhay niya matapos mawalay sa ina (Desiree Del Valle). Mapipilitang manirahan kasama ang kapatid na si Roseller sa piling ng pangalawang asawa ng kanilang ama na gagampanan ni Wendell Ramos.

Sa isang barangay sa Pikit, Cotabato, mamumulat sina Rasul at Roseller sa mga armadong lalaki. Sampu ng mga musmos na mga anak nito na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF). Sa edad na pito, nagsimulang mag-training si Rasul kasama ang mga rebelde at matututong makibaka at ipaglaban ang ideolohiya ng grupo.

Matapos ang limang taon, magiging isang ganap na commander na si Rasul, ngunit babalik ang kanyang ina upang kunin ang anak at iaalok ang mas magandang buhay sa kanila.

Mapapatawad pa ba ni Rasul ang inang inakala niya’y inabandona sila? Mas pipiliin ba ni Rasul ang buhay bilang batang sundalo kaysa bumalik sa eskuwelahan?

Kasama sa upcoming episode ng MMK sina Pen Medina, Victor Neri, Jenny Miller, Wynrill Banaag, at Hyasmin Neri. Ang episode ay sa ilalim ng direksiyon ni Nick Olanka, at panulat ni Arden Rod Condez. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, Ang  MMKtuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Panoorin nang libre ang latest episodes nito sa iwantv.com.ph oskyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

HARDTALK – Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …