Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sancho Delas Alas, pinaghahandaan na ang pagiging tatay!

00 Alam mo na NonieGANADONG magtrabaho si Sancho delas Alas dahil malapit na siyang maging daddy. Excited din siya, kaya kahit anong project ay hindi siya tumatanggi.

“Mas magiging focus ako sa career ko dahil yun nga po, excited ako since magkakaroon na ng baby. And feeling namin, suwerte kami roon sa baby, kasi parang nagkaroon po ng tuloy-tuloy na project,” saad niya na idinagdag pang eight weeks pregnant na ngayon ang girlfriend niya for two years na si Shanna Retuya.

Nakatira kayo sa Mama mo ngayon? “Yes, ang saya… dapat po lilipat na ako ng condo, kaso sabi ni mama ‘wag na lang. Hindi raw po kasi ideal yung condo namin for the baby. ‘Tsaka mabuti nababantayan din niya and kailangan din po namin ng mga advice since first baby. Marunong po ako magkarga ng bata, yung mga pakain, magpalit ng diaper, marunong din po.”

Bukod sa TV series na Wish I May sa GMA-7, nakatakda rin gawin ni Sancho ang pelikulang Area ng BG Productions na tatampukan nina Ai Ai at Allen Dizon at pamamahalaan ni Direk Louie Ignacio. “Isa po akong kasador o bugaw sa movie na Area, ako po yung kanang-kamay ng manager, siya po yung namamahala sa kasa. Ako po yung next to manager, ako po ang naniningil and ako rin po nag-aasikaso kung saan and kung kanino sasama yung mga babae.”

Samantala, plano raw nilang magpakasal para hindi maging illegitimate ang bata, pero malamang daw na pagkatapos nang manganak ni Shanna.

“Baka after na lang po muna (manganak). Dapat ang original plan po was before, bago pa manganak. Kaso kasi, iniisip po namin very fragile pa po yung baby. Eh, ang dami pong kailangan asikasuhin for wedding. Eh baka po kakaasikaso namin ng wedding, baka may mangyari sa baby.

“Pero plano na po talaga namin magpakasal pero hindi pa po ganoon ka-sure. Eh since nandyan na po yung baby, para naman hindi illegitimate yung baby, siyempre gusto ko rin naman po na ikasal kami. And gusto ko rin po na dala ng anak ko yung apelyido namin.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …