Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sharon Cuneta, ayaw munang makialam kina Zsa Zsa at Conrad

00 SHOWBIZ ms m“I ’M sad,” mabilis na sagot ni Megastar Sharon Cuneta nang tanungin ito kung ano ang naramdaman niya sa nabalitang paghihiwalay ng mga kaibigan niyang sina Zsa Zsa Padilla at Architect Conrad Onglao.

“I am sad for a friend whom I’m expecting is going through a heartache right now,” aniya nang makausap namin ito sa thanksgiving dinner ni senatoriable at asawang si Francis ‘Kiko’ Pangilinan noong Miyerkoles ng gabi sa Celebrity Sports Club.

Ani Sharon, hindi pa sila nagkakausap ni Zsa Zsa at hindi pa rin daw niya ito mai-text para kumustahin. ”Hindi ko siya mai-text, kanina ko lang nalaman (breakup). Hindi ko pa sila ma-text.

“Pareho ko silang kaibigan, pero siyempre, mas close sa akin si Zsa Zsa.”

Si Sharon ang nagpakilala kay Onglao kay Zsa Zsa nang kunin nito ang una bilang arkitekto sa ipinagagawa niyang bahay.

Sinabi pa ni Sharon na ayaw muna niyang istorbohin si  Zsa Zsa lalo’t may pinagdaranan ito.

“’Pag ganyan, you don’t bother them muna. You let them, you give them time to mourn. Parang huwag ka munang papasok, ‘di ba?

“Let them ano… tapos after a little while, then you can ask a little.

“Baka may pinagdaraanan ‘yung tao na masakit tapos mangingialam ka pa. So, ayoko muna.”

Pero tinitiyak ni Sharon na naging masaya habang magkasama sina Onglao at Zsa Zsa. ”Well, they have a wonderful time together, that I’m sure of. There are relationships that come and go, there are relationships that come and stay. So, well… hindi pa rin natin alam if it’s meant to be or not. Siguro sa kanila na lang ‘yun.

“Not of mine, none of what, none of your business!”giit pa ni Sharon na masayang nagbalita na nakapagbawas na siya ng 35 kilos na timbang kaya naman medyo  lumiit na siya.

“Pero I still need na makapagbawas pa ng another 15 kilos,” sambit pa ng Megastar.

Samantala, mapapanood na si Sharon sa The Voice Kids ng ABS-CBN 2 kasama nina Lea Salonga at Bamboo sa ikatlong season nito bilang isa sa mentor ng mga bulilit na magpapamalas ng galing sa pagkanta. Bale pinalitan ni Sharon si Sarah Geronimo.

Tatlumpung limang taon na rin naman si Sharon sa industriya at napatunayan na niya ang kinang ng kanyang bituin at husay sa pagiging isang singer, performer, actor, host, at endorser kaya naman may karapatan siyang maging coach sa top-rating na singing reality competition sa bansa, ang The Voice Kids.

Kaya abangan ang pagsisimula ng ikatlong season ng The Voice Kids sa Kapamilya Network.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …