Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora, hindi ikinahiya ang paghingi ng tawad sa mga ABS-CBN boss

00 SHOWBIZ ms mINIHINGI na raw ng tawad ni Nora Aunor sa mga boss ng ABS-CBN  ang mga pagkakamali niya at iginiit na pinangarap talaga niya ang makalabas sa Maalaala Mo Kaya.

Ito ang sinabi ng Superstar noong Miyerkoles ng hapon kaugnag ng pagbabalik-Kapamilya niya sa pamamagitan ng MMK’s Mother’s Day episode sa Sabado.

Iginiit ni Ate Guy na hindi niya ikinahiya ang paghingi ng tawad.

“Hindi ko po ito ikinahihiya. Kung nagkamali ako kailangang ihingi ko po ito ng tawad kung sino po ang namumuno. Kung sino ang presidente, kung sino ‘yung boss. Kailangang lapitan ko.

“Ang nakausap ko po ay si Miss Malou (Santos, business unit head), wala po yata noon si Madame Charo (Santos) kaya hindi ko po s’ya nakausap.

“Buo ang pasasalamat ko po ngayon at napakasaya ko. Parang pinatawad na rin po ako ng Dos kaya maraming-maraming salamat po,” mahabang paliwanag ni Ate Guy.

“Ang makalabas lang sa ‘MMK’ masayang-masaya na po ako. Pang-apat ko na po ito at kapag lalabas ako sa ‘MMK’ laging magaganda po ang episode na ibinibigay nila sa akin,” giit pa ni Ate Guy.

Muli ngang masisilayan ang galing ng nag-iisang Superstar na si Nora  sa MMKsa natatangi niyang pagganap sa isang kuwentong magbibigay-pugay sa mga ina sa Sabado, Mayo 7.

Gagampanan ni Nora ang karakter ni Yolly, isang inang handang gawin ang lahat para sa kanyang mga anak, na ang apat ay mayroong disorder.

Ito na ang ikaapat na MMK episode ng Superstar. Nauna na siyang bumida sa episode na Lot 8 Blk 13 noong 1991;  Retaso na una niyang nakatambal si Joel Torre noong 1997; at Lubid noong 2002.

Kasama rin sa upcoming episode ng MMK sina Angeli Bayani, Junjun Quintana, Gloria Sevilla, John Vincent Sevilla, Dentrix Ponce, Amy Nobleza, Chunza Lili, Patrick Sugui, John Michael Gacayan, Celine Lim, Faye Alhambra, Tony Manalo, Suzette Ranillo, Kristel Fulgar, Marithez Samson, Eliza Pineda, Ana Deo, Mike Austria, at Gem Ramos.

Ang episode ay sa ilalim ng direksiyon ni Raz De La Torre at panulat ni Akeem Del Rosario.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …