Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga OFW, makaka-relate sa pelikulang This Time (Movie nina James at Nadine, Graded-A ng Cinema Evaluation Board!)

00 Alam mo na NonieNAKAKUHA ng A-Grade mula Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang This Time na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at James Reid. Maganda ang feedback sa pelikulang ito ng Viva Films na last Tuesday ay dinagsa sa premiere night nila sa Cinema-7 ng SM Megamall.

Ang pelikulang This Time ay hindi lang ukol sa love story nina Ava (Nadine) at Coby (James) dahil may sariling love story din dito sina Nova Villa at Freddie Webb na tiyak na magugustuhan ng moviegoers na senior citizen. Makikita rin dito ang pagmamahalan ng gay couple na ginampanan naman nina Michael de Mesa at Ronnie Lazaro, kaya pati ang LGBT community ay maa-appreciate ito.

Bukod pa riyan, sa panayam namin kay Direk Nuel Naval, sinabi niyang makaka-relate sa pelikula nilang This Time ang mga OFW.

“It’s a fun, romantic movie. Ang love story nito ay hindi lang nag-i-evolve sa dalawang mag-boyfriend. Pati kina Freddie Webb, yung second chance at love, long distance relationships din na I think, maraming mga OFW ang makaka-relate. Kasi hindi ba, yung mga mahal nila sa buhay, magkahiwalay sila e, malayo sila sa isa’t isa.

“May nag-text nga sa akin na OFW na noong nakita raw ang trailer ng This Time, naisip nila na parang sila yun. Iyong nag-uusap daw sila thru Skype na naiiyak sila, na gusto nilang halikan ang isa’t isa specially kapag dumarating yung birthday ng anak nila or anniversary, pero hindi nila magawang halikan ang isa’t isa at doon lang sila sa social media nag-uusap.”

Ayon pa kay Direk, matutuwa ang JaDine fans sa pelikula. “Iyong kilig kasi rito sa movie, came naturally, e. So, hindi naman siya pinilit na magpakilig talaga. Pero hindi mabibigo ang fans, matutuwa sila sa makikita nila kina James at Nadine. Isa itong feel good movie na paglabas nila, nakangiti sila, matutuwa sila sa pelikula.”

Sa pelikulang This Time, si James si Coby, isang lolo’s boy na mula pagkabata’y malapit na ang loob sa kaibigang si Ava (Nadine). Tuwing summer lang nagkikita ang dalawa at doon masusubukan ang tatag ng pagsasama nila na isang long distance relationship.

Makakasama rin dito ng JaDine sina Al Tantay, Candy Pangilinan at ang Viva artists na sina Yam Concepcion, Donnalyn Bartolome, Issa Pressman, at Bret Jackson.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …