Monday , December 23 2024

Mr. and Ms. Lim, subok na kontra krimen; Kampeon ng libreng serbisyo

ILANG tulog na lang ay maibabalik na sa kamay ng tunay naManileño ang Maynila.

Kahit saang parte ng lungsod magtungo ang nagbabalik na alkalde ng Maynila Alfredo Lim ay nagkakaisa ang tinig ng mga residente na iboboto siya para tuldukan na ang pagpapahirap sa kanila ng sentensiyadong mandarambong na taga-San Juan City.

Sa administrasyong Lim ay natamasa ng mga taga-Maynila kung paano manirahan sa isang “welfare city” na pawang libre ang mga serbisyo tulad ng pagpapakasal, pre-natal, panganganak, pag-aaral mula daycare hanggang kolehiyo, pagpapagamot, at  pagpapalibing o cremation.

Ang tawag ni Lim diyan ay “free womb-to-tomb services,” ang dalawang pangunahing pangangailangan ng mamamayan na dapat ay walang bayad na naipagkakaloob ng lokal na pamahalaan.

Kung ang ibang kandidato na gaya ni Amado Bagatsing ay nangangako pa lang, habang si ousted president at convicted plunderer Joseph ‘Erap” Estrada naman ay tinanggal ang mga libreng serbisyo na dating tinatamasa ng mga Manileño, ibabalik lahat ito ni Lim at daragdagan pa.

Patatayuan ni Lim ng annex buildings ang bawa’t distrito ng Maynila bilang extension ng Unibersidad de Manila (UDM).

Ibig sabihin ay hindi na kailangang dumayo pa sa main campus ng UDM sa Lawton ang mga estudyante dahil sa lugar na nila mismo itatayo ang kolehiyo.

Libre muling makapagpapagamot na walang babayarang doctor’s fee, maging ang mga laboratory tests at gamot sa anim na ospital ng lungsod, na lima dito ay si Lim rin ang nagpatayo.

Gayondin ang health centers sa siyudad na 49 ay naipatayo ni Lim.

Marami nga ang nagtataka kung bakit kahit hindi itinaas ni Lim ang buwis sa Maynila ay naipagkaloob pa niya nang libre ang serbisyong pangkalusugan at edukasyon.

Si Lim ang simbolo ng isang opisyal ng pamahalaan na ang interes ng mamamayan ang prayoridad, hindi pa ipinagyayabang ang kanyang mga nagawa at walang mantsa ng katiwalian.

Ultimo ang ibinibigay na pondo ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa Office of the Mayor ay inilagak ni Lim sa kaban ng Maynila para idagdag sa healthcare fund.

Hindi lang dayong alkalde ang palalayasin sa Mayo 9, sa pagbabalik ni Lim ay mawawala na rin ang mabahong amoy at sanrekwang langaw mula sa nagtambakang basura kung saan-saan.

Mula nang maluklok si Erap ay tatlong beses sa isang linggo na lang ang naghahakot ng basura kaya naman bumaho ang lungsod ng Maynila.

Ayon sa 2015 Commission on Audit (COA) report, ginagamit ng contractor ng basura ni Erap ang mga truck sa iba pang siyudad kaya hindi nahahakot nang araw-araw ang basura sa Maynila, kompara noong administrasyong Lim na hanggang apat na beses isang araw hinahakot ng Leonel Waste Management ang basura sa lungsod.

Ipagbabawal muli ni Lim ang towing sa mga sasakyan maliban na lang kung nasiraan o naaksidente at ang may karapatan lang na humila ng sasakyan ay ang Traffic Bureau ng Maynila at hindi ang pribadong towing company.

Kaayusan at katahimikan ibabalik ni Lim sa Maynila

IBABALIK ni Lim ang tunay na pagpapatupad ng batas, titiyaking ang pulisya ay gagampanan nang tama ang kanilang tungkulin at mapaparusahan ang mga kriminal.

Sinabi ni Lim na buburahin niya ang masamang imahe ngayon ng Maynila bilang sentro ng kalakalan ng illegal na droga.

Puspusan niyang ipatutupad ang kampanya kontra illegal na droga at lahat ng pulis na mapapatunayang protektor ay agad sisibakin at ipaghaharap ng kaukulang kaso para hindi pamarisan.

Palalakasin niya ang information campaign laban sa illegal drugs, lalo na sa mga paaralan at pamayanan upang hindi mabulid sa paggamit ng bawal na gamot ang mga kabataan.

Ibabalik niya sa pagmamay-ari ng pamahalaang lungsod ang lahat nang isinapribadong ari-arian o ibinenta ni Erap, kabilang ang mga pampublikong palengke.

Kakanselahin niya ang lahat ng kontratang pinasok ni Erap o joint venture agreement (JVA) sa mga pribadong kompanya, ultimo ang mga kompanyang inatasan niyang mangolekta sa mga illegal vendors gaya ng AL2FEREX at Sto. Niño de Tondo  Management and Consultancy Corporation.

Ilalagay niya sa tamang lugar ang mga vendor na pinagtinda ni Erap sa mga kalye at bangketa, parke at liwasan upang hindi makasagabal sa trapiko at mga naglalakad na tao.

At higit sa lahat ay ibabalik niya sa dating antas ang bayaring buwis sa Maynila na itinaas ni Erap ng 300% mula noong 2013.

Matinding “repair” ang gagawin ni Lim sa pagbabalik sa City Hall, rehabilitasyon sa isang siyudad na sinalanta ng pesteng sentensiyadong mandarambong na dumayo lang sa Maynila.

“Lapid Fire” sa DZRJ at Cablelink TV-Ch.7

LAGING subaybayan ang malaganap nating programang “Lapid Fire” na napapanood sa 8Tri-TV ng Cablelink Channel 7, mula 8:00 am – 10:00 am na sabayang napapakinggan mula 9:00 am hanggang 10:00 am sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz.), Lunes hanggang Biyernes, kasama sina Rose Novenario, Peter Talastas at Atong Ma.

Anomang sumbong, puna at reaksiyon itawag sa Landline Nos. 412-0288 at sa Textline Nos. 0917-678-8910.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected] 

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *