Friday , November 15 2024

Gov. Joey: Chiz simpleng tao

NANINIWALA si Albay Gov. Joey Salceda na magiging mahusay na bise presidente si Sen. Francis “Chiz” Escudero dahil siya ay may paninidigan at patuloy na namumuhay nang simple sa kabila ng kanyang mga narating sa buhay.

Sa panayam ng mga mamamahayag sa Legazpi City, sinabi ni Salceda na napatunayan niya ang mga nasabing katangian ni Escudero nang magsama sila sa loob ng siyam na taon sa Kongreso bilang mga kinatawan ng kani-kanilang distrito at lalawigan.

Tanda ni Salceda kung ilang beses niyang hinikayat noon si Escudero na lumipat ng suporta sa dating administrasyon ngunit nanindigan ang noo’y kinatawan ng lalawigan ng Sorsogon laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

“Kasama ko si Chiz ng nine years sa Congress, kilala ko siya. Magkaaway kaming mortal sa politika kasi ako kay GMA… Kilala ko siya at ilang beses ko siyang hinikayat na lumipat pero hindi ko nagawang (kombinsihin siya),” ani Salceda.

Matatandaan na noong 2004 presidential election ay tumayo si Escudero bilang tagapagsalita ng nasirang aktor na si Fernando Poe Jr., na kalaunan ay tinalo ni Arroyo sa pagka-pangulo.

Bilang House minority leader, pinangunahan ni Escudero ang maraming tangka na i-impeach si Arroyo.

“A president and a vice-president should stand for something and they should stand by it. And look at all the presidential and vice-presidential candidates, if they stand for a very concrete and substantial idea. But to my mind, I think Chiz does,” ani Salceda.

Bilib din si Salceda sa pagiging simple ni Escudero. Binanggit ng gobernador na noong minsang siya ay nagpunta sa Washington D.C., may nakausap siyang driver sa embahada ng Filipinas na nagkuwento sa kanya kung paano namuhay nang simple si Escudero sa Amerika noong nag-aral sa kilalang Georgetown University.

“Noong umikot ako sa Washington, ‘yung driver ng embassy, itinuro sa akin at sinabing ‘Alam mo ba, Georgetown iyan, diyan nag-aral si Chiz.’ Tapos kuwento niya napaka-simpleng tao tapos talagang ordinaryo lang siya, as in an ordinary student although anak na siya ng Secretary at nag-aral siya ng masteral law. So para sa akin, it betrays the character of a person,” paglalahad ni Salceda.

Nauna nang inendoso ni Salceda ang kandidatura ni Escudero, gayondin ng kanyang katambal sa pagka-pangulo na si Sen. Grace Poe. Nangako si Salceda ng mahigit 700,000 boto para sa dalawa mula sa lalawigan.

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *