Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anak ni Melai, napapalapit na ang loob kay Carlo

SA We Will Survive ay tuluyan nang makatatakas si Maricel (Melai Cantiveros) mula sa pagpapahirap ng kanyang mapang-abusong employer at nalalapit nang makita ang anak niyang naiwan sa Pilipinas.

Matapos mapagtagumpayan ang pagtakas mula sa kanyang mga amo, isang Pinoy ang tutulong kay Maricel upang makauwi at muling makasama ang kanyang pamilya.

Ngunit nagbabadyang magbago ang kanyang pagkasabik ngayong unti-unti nang lumalambot ang puso ni Wilma (Pokwang) para kay Pocholo (Carlo Aquino) at pinayagan na itong makilala at makasama ang anak kay Maricel na si Jude (John Steven De Guzman).

Ano kaya ang mararamdaman ni Maricel kapag nalaman niyang napapalapit na si Jude sa kanyang ama? Ito kaya ang maging mitsa ng pagkasira ng pagkakaibigan nila ni Wilma?

Marami pang dapat abangan kaya tutukan ang teleseryeng nagpapakita na gaano man kapangit ang mundo, gaganda ang buhay basta’t magkasama tayo, ang We Will Survive tuwing gabi, bago mag-TV Patrol”sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Maaari ring panoorin ang past episodes ng palabas sa iWanTV.com o saskyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …