PINAG-UUSAPAN noon sa mga blind item at laman ng bulong-bulungan na nasa interesting stage si Jennylyn Mercado kaya marami ang naghinayang.
May mga usap-usapan pang madalas daw natutulog ang aktres sa shooting ng pelikula nila ni John Lloyd Cruz, ang Just The 3 Of Us na ang location ay sa malayo.
Pero idinepensa ito ng malapit sa aktres na malayo ang biyahe pauwi kaya sa location na lang ito natutulog lalo pa’t minamadali ang shooting para makahabol sa playdate ngayong Miyerkoles, May 4.
Dee Girls, ayaw maikompara sa Mocha Girls at Playmates
ISANG bagong ‘sing and dance’ group ang inilunsad, ang Dee Girls na kinabibilangan ng mga batambata at maliliksing tin-edyer.
Ayaw maihambing ng Dee Girls sa Mocha Girls at Playmates dahil hindi raw sila kumukuha ng mga lalaki sa audience para pagtripan sa entablado.
Kakaiba sila dahil pang-world-class ang kanilang performances mula sa traditional dances mula sa Guam tulad ng Hulas hanggang sa makabagong sayaw na hip-hop. Marami silang pinag-aralang iba’t ibang klase ng sayaw sa buong mundo para saan man sila maimbita ay mayroon silang nakahandang sayaw.
Sila ay hawak ng Jimmy Dee Productions na pag-aari ni Jimmy Dee, isang multi-talented entertainer, businessman, motivational speaker, philanthropist, at humanitarian na ang pakay sa pagtulong sa ating kababaihan na may talento sa pagsayaw at pagkanta ay para makilala ang husay sa entertainment sa buong mundo. Good luck!
STARNEWS UPLOAD – Alex Datu