Monday , December 23 2024

CIDG duda na sa MPD?

UMABOT na pala sa P200-M ang halaga ng shabu na nakompiska ng awtoridad sa lungsod ng Maynila sa loob ng nakalipas na apat na buwan.

Pero hindi mga alagad ng Manila Police District (MPD) ang nakatiklo sa limang Chinese nationals sa magkakahiwalay na operation mula noong Enero ngayong taon.

Ito’y ayon mismo kay Senior Superintendent Ronald Lee, ang hepe ng Criminal Investigation and Detection Group sa National Capital Region (CIDG-NCR).

Kamakalawa ay nadakip ng grupo ni Lee si Norwan Wang, isang Chinese national, sa Harrison Plaza parking lot sa aktong nagbebenta ng siyam na kilong shabu na nagkakahalaga ng P45 milyon.

Karamihan aniya ng mga Chinese na sangkot sa illegal drugs ay nakabase sa Maynila kaya tinawagan niya ng pansin ang MPD Anti-Drugs Unit na maging alerto upang dakpin ang nasabing mga suspek.

Noon lang nakalipas na Pebrero ay napaulat na nababahala na ang mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame na maaaring mabansagan na ang Maynila bilang “Home to bigtime suppliers” ng illegal na droga bunsod ng sunod-sunod na malalaking operasyon ng awtoridad laban sa illegal na droga sa lungsod.

Tulad ng ating obserbasyon, ibinase ng mga taga-Camp Crame ang kanilang pangamba nang madakip ang lima katao sa isang drug-bust na inilunsad ng mga pulis-Quezon City sa area ng Luneta Park at nakompiska sa kanila ang limang kilo ng shabu.

Nasakote rin ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang laboratory ng shabu sa Sta Cruz, Maynila kamakailan si Marine Col. Ferdinand Marcelino at Chinese na si Yan Yi Shou.

Tatlong kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P15 milyon ang nakompiska ng mga operatiba ng CIDG nang sakalakayin ang isang flower shop daw sa Binondo, Maynila kamakailan.

 Anang CIDG, walang bulaklak sa nasabing flower shop bagkus ay shabu pala ang ipinagbibili roon.

Inamin ng may-ari ng flower shop na isang pulis ng District Anti-Illegal Drugs Unit sa Maynila na may inisyal na BDG ang kanilang protektor.

Sabi ng CIDG, mahigit isang linggo pa lang raw ang naturang “flower shop” pero kompleto sa mga permit mula sa Manila City Hall.

Nauna rito’y dalawang Chinese nationals na taga-Binondo, Maynila ang dinakip ng anti-illegal drugs operatives ng PNP National Capital Regional Police Office (NCRPO) sa boundary ng Maynila at Quezon City na may dalang 30-kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P150 milyon.

Sabi nga ng nagbabalik na alkalde Alfredo Lim, nakahihiya na tutulog-tulog ang mga pulis-Maynila sa paglaganap ng illegal drugs sa siyudad kaya tiniyak niya na hindi ito uubra sa kanyang administrasyon.

 Ang kapabayaan ng MPD sa illegal drugs campaign ay nangangahulugan na kasabwat o protektor ng mga druglord ang mga pulis.

 Sa Setyembre ay nakatakda nang magretiro si Manila Police District Director Rolando Nana kaya marami ang nagtatanong kung  ang “drug money” kaya ang pabaon sa kanya ng sentensiyadong mandarambong sa Manila City Hall?

Disiplinadong lider at hindi ex-convict ang bagay sa Maynila

HUWAG na tayong magtaka kung bakit balewala sa MPD na mamayagpag ang mga kriminal, dahil wala silang modelong puwedeng paghanguan ng tikas sa pagganap sa tungkulin.

Paano gaganahan ang pulis kung ang kanilang amo ay walang inatupag kundi patabain ang bulsa at mag-abuso sa kapangyarihan?

Paano susugpuin ang illegal drugs at illegal gambling kung nakatimbre ang mga promotor nito sa Manila City Hall?

Paano ipatutupad ang batas laban sa mga kriminal sa lungsod kung kakutsaba sila ng sentensiyadong mandarambong na taga-San Juan City?

Maaaring may mangilan-ngilan pa namang mga pulis-Maynila ang gustong gampanan nang tama ang kanilang sinumpaang tungkulin na sugpuin ang kriminalidad pero mas pinili na lang na magbulag-bulagan para hindi mapag-initan ng mafia ni “Bigote.”

Kaya ang pangako ni Lim sa kanyang pagbabalik sa City Hall ay ibabalik din hindi lang ang mga libreng batayang serbisyo, kundi pati ang tamang pagpapatupad ng batas.

At muling magkakaroon ng modelo ang mga Manileño at mga pulis na isang law-abiding leader.

“Lapid Fire” sa DZRJ at Cablelink TV-Ch.7

LAGING subaybayan ang malaganap nating programang “Lapid Fire” na napapanood mula 8:00 am – 10:00 am sa 8Tri-TV ng Cablelink Channel 7 at sabayang napapakinggan 9:00 am – 10:00 am sa DZRJ-Radyo Bandido (810 Khz.), Lunes hanggang Biyernes, kasama sina Rose Novenario, Peter Talastas at Atong Ma.

Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected]

About Percy Lapid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *